Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Snooky Serna, aminadong naging maldita at feelingera noon!

102115 Baby Go Snooky serna

00 Alam mo na NonieAMINADO si Snooky Serna na naging trademark niya noon ang pagiging late kaya ang iba ay tinatawag siyang ‘pagong’. Pero nasabi ng aktres na iba na raw siya ngayon. “Allergic na ako sa salitang late. Kaya kapag na-late ako sa movie na Nuclear Family, may fine ako kay Mam Baby Go,” nakangiting saad ni Snooky.

“I’m so excited to work with this project with Direk Jason Paul Laxamana. Thank you kay Tita Baby at kay Tito Dennis Evangelista for giving me the opportunity to work with BG Productions,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Snooky, nagpapasalamat siya na sa mga nakaraang project niya ay walang naging problema sa part niya. “Thank God na wala talagang nangyaring incident na naging primadonna ako o na-late ako o naging cause of delay.

“I would like to take this opportunity to thank the Iglesia ni Cristo, naturuan talaga ako ng tamang ugali. I’m really grateful talaga, sa awa at grasya ng Panginoon talagang nagbago ako mula nang naging kaanib ako. It did not happen overnight, but talagang sa pamamaraan ng pag-aalaga sa akin sa loob ng Iglesia ni Cristo, naturuan ako ng disiplina, ng pag-appreciate ng mga biyaya, ng tamang kaugalian and I thank God for really taking care of us.”

Sinabi rin niya ang mga lait na pinagdaanan noon kapag nale-late siya. “Ang worst talaga, kapag darating ka sa set o sa presscon, na alam mo na may taong galit sa iyo, may ibang nakangiti sa iyo pero sa loob-loob sa ‘yo, ‘Buwiset ka, malditang ito, bakit andito ito?!’ Yung ganoon, yung alam mong pinaplastik ka, na hindi mo naman masisisi dahil maldita ka naman talaga, pinaghintay mo yung mga tao and everything sa shooting.

“So, ‘yun talaga ang worst na experience na na-feel ko na i-retrospect mo iyon sa aking pagbabago, na para bang, ‘Naku, ganito pala ang feelings.’Ako na kasi ngayon yung minsan nakapaghihintay na rin. Minsan, nakakairita pala talaga, na may feelingera dyan. So, I know how it feels now to make people wait and to be disliked. Kaya hindi ko masisi yung ibang tao na love-hate yung relationship sa akin, dahil pasaway naman ako noon, feelingera naman ako dati. Kaya nagso-sorry naman ako talaga.”

Samantala, kabilang sa foreign investors ng BG Productions International ang businessmen na sina Mr. Marco Antonio Bonilla ng Colombia at Mr. Hylario Garcia ng Mexico. Nabanggit ni Ms Baby na masaya siya sa bagong kasosyo sa negosyo. “Happy ako na lalong lumalaki ang BG Productions.”

Bukod sa Nuclear Family, nakatakda nilang gawin ang Tres Marias na pamamahalaan ni Direk Joel Lamangan. Bukod kay Snooky, tampok sa Nuclear Family sina Rodjun Cruz, Ezekiel Jash, ArronVillaflor, Rob Moya, at iba pa.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …