Sunday , December 22 2024

Chiz: Benefits pa more sa seniors & retirees (Bukod sa bawas-buwis, Gobyernong may puso ‘yan!)

1021 FRONTDAHIL sa patuloy na pagharang sa mga hakbang na magpapababa ng buwis at pagpapalago ng mga benepisyo sa ilalim ng panukalang social security reform, muling binigyang-diin ni Senator Francis “Chiz” Escudero  sa  ilang mga panayam ngayong linggo na ang isang ‘Gobyernong may Puso’ ay mapagkalingang nangangasiwa, pinapahalagahan at higit sa lahat ang kapakanan ng mamamayan at naninindigang isulong ang mga pamantayang kakaunti ang hinihingi mula sa bulsa ng mga nasasakupan ngunit malaki ang isinusukli sa kanilang pakinabang.

“Panahon na para ibaba ang personal income tax. Tumataas ang presyo ng bilihin, ‘yung sweldo hindi naman lumalaki. Pag binabaan natin ang buwis, lalaki ang take home pay. Dapat na rin nating taasan ang benepisyo sa SSS,” ang mariing tinuran ng senador.

“Nagpapakita ito na hindi manhid at marunong makinig sa hinaing ng mamamayan ang ating gobyerno.”

Bagamat lumalawak ang pagtataguyod mula sa mga kasapi ng Mababang Kapulungan at suporta ng Senado sa tax reform bills, nagmamatigas naman ang mga lider ng parehong kamara ng Kongreso laban dito dahil sa kawalan umano ng sapat na panahon upang maisabatas ito.

Tutol din ang pambato ng administrasyon na si Mar Roxas sa mga nasabing hakbang at tahasan pang naghayag ng kanyang saloobin laban sa mas mababang income tax kasabay ng kanyang hamon sa mga nagsusulong nito na pumili ng mga programa at proyektong isasakripisyo bilang kapalit sa mababang koleksiyon ng buwis kapag naisakatuparan ang mga panukalang nabibinbin ngayon sa Kongreso.

Pinabulaanan ni Escudero ang mga babalang lubos na maaapektohan ang  mga serbisyong panlipunan para sa mahihirap at kagyat na pagnipis ng koleksiyon at kita ng gobyerno kung ibaba ang income tax.

Itinataguyod nito ang pagpapababa ng maximum tax rate na nasa 32 percent sa kasalukuyan at itinuturing na isa sa pinakamalaking antas sa rehiyong ASEAN, upang ibaba ito sa “mas makatao at makatotohanang” 25%.

“Sinoman ang nagsasabi niyan ay hindi nagiging tapat sa taong bayan. Ang epekto ng first stage ng pagpapababa ng income tax ay P30 billion lamang. Mula noong 2011, P623 billion ang underspending ng ating gobyerno. Last year lang, nasa P303 billion ang underspending. Ano ang ibig-sabihin ng underspending? Iyong buwis na ibinayad at kinaltas sa atin ay hindi naman ginastos o nagastos. Savings lang, ‘ika nga. Nandoon lang  sa gobyerno, ni hindi ibinalik sa atin sa pamamagitan ng serbisyo publiko.” 

”Next year, magdadalawang taon na ang Yolanda. Nag-allocate kami ng P100 billion para roon, pero wala pa sa kalahati ang ginastos ng gobyerno sa ibinigay naming P100 billion. Hindi napakinabangan ang pondo,” dagdag pa ng mambabatas mula sa Bicol region.

Sa kaugnay na usapin ng social security reform, isa si Escudero sa mga may-akda ng panukalang batas na madadagdag ng 2 libong piso kada buwan sa tinatanggap na benepisyo ng mga nakatatanda at mga retirado.

“Ayon sa administrasyon, hindi raw sila papayag sa increase pero kausap  ko  rin  po ang ilang opisyal ng SSS. Baka raw kayanin nila ang P1,500 pero ‘yung P2,000 o P3,000, ayaw nila.”

“Ito’y bahagi na naman ng pagkakaroon ng isang gobyernong hindi makaramdam sa hinaing ng tao. Tingin ba nila sobra-sobra ‘yung dalawang libo para sa senior citizens natin?”

Sa dulo ng isang panayam, iginiit ni Escudero, “Ang kailangan natin ay Gobyernong may Puso. Iyong walang maiiwan kahit sino man.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *