Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam, napapayag maghubad para sa November concert

102015 sam milby

00 fact sheet reggeeANG ganda ng mga ngiti nitong huli ni Sam Milby dahil maganda ang feedback ng pelikula nila ni Jennylyn Mercado na The PreNup mula sa Regal Entertainment na idinirehe ni Jun Robles Lana.

Maganda raw ang resulta sa takilya at ang dating 130 ay naging 145 theaters na kaya naman masaya rin ang mag-inang Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo dahil finally, naka hit na sila ngayong 2015 at may mga ipalalabas pa silang pelikula.

Isa pang dahilan kaya masaya ang aktor ay dahil iseselebra rin niya ang 10 taon niya sa showbiz sa pamamagitan ng concert na may titulong The Milby Way na gaganapin sa Kia Theater Araneta Center, Cubao sa Nobyembre 28, Sabado produced ng Cornerstone Concerts.

Ito raw ang paraan ni Sam para pasalamatan ang lahat ng taong sumuporta at nakasama niya sa loob ng 10 taon sa showbiz na hanggang ngayon ay hindi siya iniiwan.

Matatandaang produkto si Sam ng Pinoy Big Brother Season 1, 2005 at simula noon ay nagtuloy-tuloy na ang takbo ng karera niya.

At sa pictorial ng The Milby Way ay topless si Sam kaya naitanong namin kung ano ang kakaibang gagawin niya sa show at napapayag siyang walang damit na ginamit din sa poster.

Panoorin na lang daw namin ang show ni Samuel para malaman namin at ayaw niyang i-preemt namin.

Hmm, koserbatibo si Sam kaya ano kayang ginawa ng manager niyang si Erickson Raymundo para mapapayag siyang maghubad sa pictorials niya?

Samantala, bukod sa concert ay magte-taping na rin ang aktor ng seryeng Written In Our Stars mula sa Dreamscape Entertainment kasama sina Piolo Pascual, Jolina Magdangal, at Toni Gonzaga.

At sa Disyembre ay magkakaroon ng series of Christmas shows si Sam sa lahat ng Ayala Malls na produced mismo ng Ayala na kung hindi kami nagkakamali ay pang-apat na taon na niya itong ginagawa.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …