Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel Padilla, ngayong araw magpapa-rehistro sa Comelec

102015 daniel padilla

00 fact sheet reggeeNGAYONG araw, Oktubre 20 magpaparehistro si Daniel Padilla at hindi lang binanggit sa amin kung saang Comelec office siya pupunta.

Ayon sa nagkuwento, ito lang daw ang libreng araw ni Daniel para magpa-rehistro kasi nga busy siya sa tapings ng Pangako Sa ‘Yo at sadyang ipina-block din ng batang aktor ang petsang ito.

Naalala namin ng huli naming makausap si Daniel para sa shooting ng online video para hikayatin ang lahat ng first time voters tulad niya, hahanapan niya ng oras ang pagpapa-rehistro dahil hindi siya makakapayag na hindi niya ma-exercise ang karapatang bumoto lalo’t taxpayer siya, oo nga, ang laki ng ibinabawas sa kanya ‘no!

Nakakatawa kasi tinanong pa kami kung nakarehistro na at dapat daw tamang kandidato ang iboto namin para hindi masayang ang ibinabayad naming tax.

Sabi pa ni Daniel na mapupuno raw ang Comelec office dahil bitbit niya ang buong tropa niya na magpaparehistro rin at hindi raw niya mabilang kung ilan sila.

Kasama ni Daniel ang reel/real loveteam niyang si Kathryn Bernardo sa pagpaparehistro.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …