“Sira-ulo ka talaga, Bonoan (tawag sa amin), hindi sa ganoon, hindi ko kasi kakayanin talaga, kasi araw-araw ang tapings namin ng ‘Ningning’, so paano ko isisiksik ang shooting?” pangangatwiran sa amin ni Ibyang (tawag kay Sylvia).
Hindi pa rin namin siya tinigilan, sabi namin ‘malaki na ulo mo (Ibyang) kasi may Famas award ka na, namimili ka na ng project.’
“Naku, ewan ko sa ‘yo Bonoan, basta ako kung kaya lang ng katawan ko, bakit hindi ko kukunin, alam mo naman na gusto kong makagawa ng indie films, eh, paano?
“Masaya na rin ako kahit hindi ko natanggap kasi itong kuwento ng ‘Ningning’ ay pampa-good vibes sa lahat ng nanonood kasi positive talaga,” katwiran ulit sa amin.
Paano naging araw-araw ang tapings ng aktres ng Ningning, ibig sabihin hindi na siya natutulog?
“Ngayon kasi, lagi kong kaeksena si Ningning, eh, ang cut-off time niya ay 8:00 p.m., kaya ako rin cut-off na kaya maagad ako nakakatulog kaya may lakas ulit ako sa susunod na araw.
“Pero kapag hindi ko kaeksena si Ningning, inaabot kami ng past 12 midnight, so maaga pa rin ako nakakauwi at puwedeng matulog ng mahaba-haba kasi ang call time kinabukasan, 7:00a.m.,” paliwanag sa amin.
Kinukulit namin kung ano-anong pelikula ‘yung mga tinanggihan ni Sylvia, “’wag na, hayaan mo na, basta okay na,” giit nito sa amin. Dagdag pa, “basta masaya ako kasi maganda ang feedback ng ‘Ningning’.”
FACT SHEET – Reggee Bonoan