Thursday , December 26 2024

Gumagamit ng “dirty tricks” si Mar

EDITORIAL logoKung talagang totoo ang sinasabi ng Liberal Party (LP) na malakas ang kanilang machinery at ang kanilang standard bearer na si Mar Roxas, bakit kailangan pa nilang gumamit ng black propaganda? 

Mismong si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang nagbunyag na biktima siya ng black propaganda ng kampo ni Roxas.  Ang PR man ng LP na kinilalang si Philip Lustre ang nagpakalat na may sakit na cancer si Duterte.

Sinabi ni Duterte na walang katotohanan ang ipinakakalat ng kampo ni Roxas, at sa halip inamin niyang ang kanyang asawa ang may sakit na cancer. Galit si Duterte at nagbantang may ibubunyag siyang ‘baho’ ni Roxas kung hindi titigil sa paninira sa kanya.

Ganito na ba talaga kadesperado si Roxas? Kaya nga, hindi malayong may katotohanan ang paratang ni Vice President Jojo Binay na ang lahat ng panggigipit na ginagawa sa kanyang pamilya ay kagagawan ng kampo ng LP.

At hindi rin malayong ang ginagawang panggigipit ngayon kay Sen. Grace Poe sa usapin ng kanyang citizenship ay kaga-gawan din ng LP.  Nasaan ang sinasabing matinong prinsipyong gumagabay at pinanghahawakan ng LP?

Kung inaakala ni Roxas na mananalo siya sa halalan sa pamamagitan ng maruming taktika, nagkakamali siya.

About Hataw News Team

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *