Yes, tutyal na si Onyok dahil hindi na niya kayang mag-uwian mula Maynila hanggang Sta. Cruz, Laguna kaya pinayuhan siyang umupa ng condo kasama ang magulang. At in fairness, galing sa talent fee ng bagets ang pambayad.
Samakatuwid, malaki ang talent fee ni bagets para kaya niyang magbayad ng upa ng isang condo?
Binibiro nga namin ang nagkuwento na naka-condo na si Onyok na ganoon sa umpisa ang mga artistang nagsisimula, maliit na condo malapit sa ABS-CBN at pagkatapos ay magpapatayo na ng bahay sa mga eksklusibong subdibisyon sa Commonwealth, Quezon City.
Natanong namin kung paano ang pag-aaral ni Onyok? “Home study siya, may modules na ibinibigay kay Onyok at kaka-5 years old lang niya, ang talino, grabe ang memorya.”
Samantala, puring-puri rin daw si Onyok sa recording studio na nagre-nag-record siya ng awitin para sa promo ng Ang Probinsyano sa ASAP20 na gaganapin sa Cebu.
“May alam siya sa musika, alam niya ang tono, at his age, may alam na sa tono kaya hindi na nakatataka kung maging singer ‘yan someday,” kuwento pa sa amin ng taga-Dos.
Bongga si Onyok kaya hindi kami nagkamaling gustuhin siya, talented at nakatutuwa talaga.
FACT SHEET – Reggee Bonoan