Friday , November 22 2024

Ambush sa Marawi police chief work related

CAGAYAN DE ORO CITY- Kaugnayan sa trabaho ang anggulong tinutukan ng pulisya kung bakit tinambangan ang chief of police ng hindi kilalang mga salarin sa Brgy. Luksa Datu, Marawi City kamakalawa.

Ito ang inihayag ni Lanao del Sur provincial police director, Senior Supt. Seigfred Ramos kaugnay sa sinapit ni Marawi City Police Station Director Al Wahab Santos.

Sinabi ni Ramos, ilang beses nang nakatanggap ng mga banta sa buhay si Santos dahil sa walang humpay na anti-criminal operation campaign kaya marami ang nagtanim ng galit sa kanya.

Aniya, iminungkahi niya kay Santos na magkaroon ng personal security escort sa kanyang mga lakad dahil sa panganib ng kanilang trabaho.

Kaugnay nito, pansamantalang hahalili sa iniwang puwesto ni Santos ang deputy provincial police director ni Ramos.

Napag-alaman, nanggaling sa isang command conference si Santos at nang pauwi na ay pinaulanan ng bala mula sa nakasakay sa isang pribadong sasakyan.

About jsy publishing

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *