Hindi kaya galawin ang ‘untouchable’ bar sa Ermita
Tracy Cabrera
October 18, 2015
Opinion
Democracy must be built through open societies that share information. When theer is information, there is enlightenment. When there is debate, there are solutions. When there is no sharing of power, no rule of law, no accountability, there is abuse, corruption, subjugation and indignation. — Atifete Jahjaga
MARAMI ang hindi nakakaalam sa tunay na kaganapan sa loob ng ‘untouchable’ bar sa M.H. Del Pilar sa Ermita, Manila. Maraming iligal na nangyayari dito—prostitusyon, sugal, bentahan ng droga at panloloko sa mga dayuhang turista.
Pero alam kaya ito ng ex-convict mayor ng Maynila?
Alam naman siguro—kaya lang ay hawak umano ng anak ni Manila Mayor ERAP ESTRADA ang nasabing café-cum-bar kaya walangmakagalaw dito.
Ang sabi din ay hindi alam ng mismong management ng ‘untouchable’ bar ang mga iligal sa sa kanilang establisimento.
Hindi pabor kay COLMENARES
HINDI ko po ikinatuwa ang pag-endorso ni Manila Mayor JOSEPH ESTRADA, Senator GRACE POE at CHIZ ESCUDERO sa Makabayan Partylist Congressman na si NERI COLMENARES. Madalas ko mapanood sa balita yang partylist na yan na palaging kontra sa proyekto ng pamahalaan at sila rin yung maingay sa daan sumisigaw ng hustisya para sa mga miyembro o lider ng rebeldeng grupong NPA na nahuli ng alagad ng batas. Paano ko iboboto ang isang tao na laging taliwas sa nais ng gobyerno? Paano ko ipagkakatiwala ang kinabukasan ng ating pamahalaan sa tulad ni COLMENARES na sumusuporta sa NPA na siyang kalaban ng ating gobyerno at siya ring pumapatay sa sundalo at pulis na nagpoprotekta sa mga Pilipino. Sana huwag malinlang ang mga botante nitong si COLMENARES dahil kung iboboto natin siya ay para na rin natin ibinenta ang buhay ng kapulisan at kasundaluhan. Maging matalino tayo sa pagpili ng politiko, yung totoong maglilingkod sa bayan hindi yung magtatraydor sa bayan!
– Jayson M. Fernando, Pasay City
Problema sa mga batang kriminal
GOOD day po! Maraming mga krimen na nagaganap ngayon ay kinasasangkutan ng mga kabataan at menor de edad. Malakas ang loob nila(ng) gumawa ng krimen dahil protektado sila ng batas na kahit makagawa sila ng krimen ay hindi sila puwede(ng) kasuhan at ikulong dahil sa umiiral na batas na Juvenile Justice System ni ex-Senador KIKO PANGILINAN. Sa tuwing gagawa sila ng krimen ay sa DSWD sila dinadala at (ang) nangyayari ay nakakawala o nakakatakas (sila). Dapat ay hilingin po natin sa Kongreso at Senado na repasuhin ang batas na ito para babaan ang edad ng mga menor de edad na sangkot sa krimen. Dapat po ay magkaroon ng specific na kulungan ang mga ito at hindi sa DSWD sila dinadala. Sana naman po ay maisip ng ating mga mambabatas na pag-aralan na baguhin ang batas na ito. Maraming salamat po. – Ben Latigo, Bulacan (09…, Oktubre 4, 2015)
Ka ABNER AFUANG, bakit lokal?
TANONG ko lang bakit hindi national ele(c)tion ang takbuhin ni ABNER AFUANG, bakit lokal? Para malaman niya ang problema ng bansa sakaling malaki ang maitulong niya sa mga mamamayan(g) Pilipino. — Anonymous (09234648…, Setyembre 27, 2015)
TUGON ni Ka ABNER:
Kultura po ang pera sa politika. Gustuhin ko man po, wala pa akong panustos. Maraming salamat po. God bless our country from evil and corrupt politicians. Godspeed. — Abner Afuang (09…, Setyembre 27, 2015)
* * *
Para sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na [email protected] o dili kaya’y i-text n’yo lang po sa aking cellphone number na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart.