Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Syjuco, naniniwalang madi-disqualify si Grace Poe

101715-boboy-Syjuco grace poe

00 fact sheet reggeeUMAKYAT na sa 60 ang nag-file ng COC para sa pagka-Presidente ng Pilipinas kaya naman naiiling ang maraming botante kung anong nangyayari na sa bansang ito.

Pinagtatawanan na nga ng ibang bansa ang Pilipinas ay mas lumala pa dahil sa nabalitaang kahit sino ay puwedeng kumandidato bilang Presidente na halatang nanggugulo lang.

Sasalain naman ng Commission on Elections ang mga ito kaya tiyak na matitira lang ang limang maglalaban-laban tulad nina Senators Miriam Defensor-Santiago, Grace Poe-Llamanzares, Vice President Jejomar Binay, dating TESDA Chief, Bobby Syjuco, at Secretary Mar Roxas.

Nang magpahayag si Senator Miriam na kakandidato siya bilang Presidente ay nabuhay ang loyal supporters niya at talagang nagbunyi pa.

Pahayag nga ng nakararami, dahil hindi na tuloy sa pagka-pangulo si Davao Mayor Rodrigo Duterte, si Miriam na lang daw ang iboboto nila. Pero kung hindi naman daw nagsabi si Miriam ay si Secretary Roxas ang pipiliin nila kompara kina Binay at Llamanzares.

At para kay presidentiable Syjuco na rating TESDA Chief ay si Mar lang ang mahigpit niyang kalaban. Kaya naglakas loob na kumandidato si Ginoong Bobby dahil baka raw makasingit siya dahil si Grace ay posibleng ma-disqualify dahil sa citizenship, samantalang si Binay ay dahil sa graft and corruption kaya technically, si Mar lang daw ang mahigpit niyang katunggali sa pagka-Presidente.

Matatandaang nawala sa puwesto si ginoong Bobby bilang TESDA Chief dahil sa kasong graft and corruption dahil kabilang siya sa GMA administration at ipinalit sa kanya si Joel Villanueva na kakandidatong Senador ngayon sa partido Liberal.

Sabi pa ni ginoong Syjuco ay ganoon daw talaga kapag hindi kapartido, gagawan ng kaso. At nagulat kami sa slogan ni Mr. Syjuco, ‘maki-Baka, ‘wag maki-Baboy kadiri!’

Binasa namin ang makapal na pahinang plataporma at hinaing ng former TESDA chief na galit nag alit sa mundo dahil galit na raw ang kababayang Pinoy sa mga nangungurakot. Maganda ang layunin si Mr. Syjuco, pero bakit pagka-Presidente ang gusto niya, bakit hindi na lang Senador ang puntiryahin niya dahil baka naman siya magwagi lalo’t wala siyang partido pala.

Higit sa lahat, wala pang artistang mag-eendoso kay Mr. Syjuco, anyway aware naman ang mama sa sitwasyon niya at aminado siyang umaasa siya sa mga naniniwala sa plataporma niya.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …