Sa darating na Linggo ay lalargahan sa pista ng Sta. Ana Park ang “Sampaguita Stakes Race” na kinabibilangan ng mga nauna nang nagpalista na sina Cleave Ridge, Love Na Love, Malaya, Marinx, Never Cease at Skyway. Magpapambuno sila sa medyo mahabang distansiya na 1,800 meters.
Base sa ating bubwit ay nasisilip niya ang kalahok na si Malaya dahil sa resulta ng trangkong nagawa nitong nagdaang Sabado, dugtong pa niya ay solohin na at kung may iba pang kursunadang kuhanin ay basta iuna lang sa listahan si Malaya .
Sa naganap naman na takbuhan nitong weekend sa SLLP ay kaya pang makaisang panalo ng mga kabayong sina Going West, Arvin Dugo, Pearl Bull at Peace Needed. Ang mga puwedeng abangan ay sina Club Champion, Nurture Nature at Colonial Star. Ang nasilip naman na nakapagbigay ng sama ng loob ay ang pagkatalo ng kabayong si Sweet Daddy’s Girl na animo’y nasa isang barrier trial lamang ang nagawang pagpapatakbo sa kanya ng nagdala sa kanya, lalo pagpasok ng tres oktabos (600 meters) na kung saan ay ramdam na nakontrol ang pagpapatakbo sa naturang kabayo.
REKTA – Fred Magno