Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maja, pinaratangang malandi at maharot

031215 Maja Salvador

00 fact sheet reggeeSA ginanap na presscon ng Majasty Concert ni Maja Salvador na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena sa Nobyembre 13 produced ng Jerica M. Aguilar Events Management  at Pink Management  Productions, Inc, ay inamin niyang marami siyang bashers noong kasagsagan ng isyu nila nina Gerald Anderson at Kim Chiu.

Natanong kasi ang aktres kung maraming nag-bash sa kanya noon, ”oo sobrang dami tulad na malandi, maharot, mistress, homewrecker, makiri, at kung ano-ano pa. Nakasama mo lang halimbawa (aktor), kung ano-anong tawag na, so deadma na lang.”

Kaya ngayong 2015 ay sobra-sobrang blessings naman daw ang nararanasan niya at higit sa lahat, naka-move on na siya kaya naman abot-abot ang pasalamat niya sa magandang kapalit na nangyari sa kanya noong 2013.

Inamin din ni Maja na sobrang challenge sa kanya na mag-show sa Mall of Asia Arena dahil sobrang laki nito at dahil sa maraming sumusuporta sa kanya ay kailangan kayanin niyang mapuno ito sa tulong ng mga kaibigan sa showbiz.

Ang special guests ni Maja sa Majasty concert  ay sina  Paulo Avelino, Kakai Bautista, Rayver Cruz, Enchong Dee, JC de Vera, Enrique Gil, at Piolo Pascual  na talagang hiniling niya at napagbigyan naman siya.

Siyempre tinanong naman ang leading man niyang si Coco Martin sa Ang Probinsiyano kung bakit wala sa line-up ng guests?

“Kasi po taping day ng ‘Ang Probinsiyano’ ‘yung araw ng concert ko, pero malay natin, baka i-surprise niya ako,” nakatawang sabi ng aktres.

Samantala, naikuwento namin kay Maja na dream ni direk Antoinette Jadaone na makatrabaho sila ni Paulo dahil nakitaan sila ng kilig sa seryeng Bridges of Lovebukod kina Piolo at Judy Ann Santos sa Don’t Give Up On Us movie.

“Ah talaga? Puwede ko na bang sabihin (nagpaalam sa handler), actually, ‘yung ‘That Thing Called Tadhana’ ay in-offer talaga sa akin iyon, pero since busy ako noon hindi ko tinanggap. Tapos noong nagkita kami ni Paulo, sabi niya sa akin, ‘sayang, hindi mo tinanggap ‘yung ‘Tadhana’, magkasama sana tayo roon,’ kaya roon ko lang nalaman na si Pau pala ang leading man ko dapat,” kuwento ng aktres.

Kung gayon, hindi pala sina JM de Guzman at Angelica Panganiban ang original choice? Good thing kumita ang Tadhana at ito ang naging daan para makabalik ang actor sa showbiz.

Isa pang pasalamat ni Maja ay talagang sobrang suportado siya ng Sisters Sanitary Napkins at Pantyliners, Petit Monde, at Krem Top Coffee Creamer.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …