Friday , November 15 2024

Lampaso sa Senado si Win Gatchalian

EDITORIAL logoKAHIT walang kapana-panalo si Valenzuela City Rep. Win Gatchalian, buong tapang pa rin na naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) bilang kandidatong senador ng Nationalist People’s Coalition.

Hindi natin alam kung ano ang pumasok sa kukote nitong si Gatchalian at pinagpipilitan niyang tumakbong senador kahit alam naman siguro niyang hindi siya mananalo sa darating na 2016 elections.

Sa pinakahuling  survey ng SWS, nakakuha lamang  ng 10 percent si Gatchalian, at nasa pang 24 na puwesto sa kabuuang 44 na kandidatong senador na pinagpilian. Napakalayo ni Gatchalian sa mga kandidatong pumasok sa “Magic 12.”

Sabi pa ni Gatchalian, isa raw sa kanyang Senate legislative agenda ay may kaugnayan sa mababang pasahod. Kung ganoon, e, bakit hindi niya unahin ang Valenzuela City na napakaraming pabrika ang hindi sumusunod sa panuntunan ng batas paggawa.

Maraming manggagawa sa Valenzuela City ang patuloy na pinagsasamantalahan ng mga kapitalista tulad nang hindi pagbibigay ng tamang pasahod. Karamihan sa mga manggagawa rito ay hindi regular kundi pawang mga casual, pakyawan at kontraktuwal na pawang walang benepis-yong tinatanggap.

Ang mabuting gawin ni Gatchalian, unahin niyang sugpuin ang talamak na droga, sugal at prostitusyon sa Valenzuela City.  Walang puwang sa Senado si Gatchalian.

About Hataw News Team

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *