Saturday , November 16 2024

‘Dirty Harry’ babalik para linisin ang Maynila

NAGHAIN na ng kandidatura  bilang alkalde ng Lungsod ng Maynila si dating Mayor Alfredo Lim kahapon ng umaga.

Isinumite ni Lim ang kanyang certificate of candidacy (CoC) sa local na tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Arroceros St., Ermita kasama ang kanyang vice mayoralty candidate na si Manila First District Representative Benjamin “Atong” Asilo.

Ang 85-anyos dating senador at si Asilo kasama ang kanilang mga tagasuporta ay nagtipon sa monumento ng mga magulang ni PNoy na sina dating Pangulong Cory at dating Senador Ninoy Aquino sa kanto ng Roxas Blvd., at Padre Burgos Drive saka nagmartsa hanggang tanggapan ng Comelec sa Aroceros, hawak ang mga plakard na nakasaad ang “Bawal Magnakaw.”

Ipinangako ni Lim na ibabalik ang mga libreng serbisyo ng lungsod gaya ng healthcare at edukasyon sa sandaling makabalik siya sa puwesto.

Nilinaw ni Lim na hindi totoong bangkarote ang Maynila nang bumaba siya sa puwesto noong 2013, dahil may iniwan aniya siyang isang bilyong piso.

Iginiit ni Lim, kailanman sa loob ng ilang taon niyang panunungkulan sa Maynila ay hindi siya naakusahan ng korupsiyon.

Muling makakalaban ni Lim sa halalan si Mayor Joseph Ejercito Estrada na sinasabing maghahain ng CoC sa Biyernes at si Manila 5th District Rep. Amado Bagatsing, na unang naghain ng kandidatura nitong Lunes.

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *