Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim, excited na sa pagsasama nila ni Piolo

101315 piolo pascual kim chiu

00 fact sheet reggeeKITANG-KITANG kinilig si Kim Chiu nang tanungin siya tungkol kay Piolo

Pascual na nagsabing gusto siyang makasama sa susunod nitong project sa Star Cinema.

Nagkaroon kasi ng cameo role ang aktor sa Etiquette For Mistresses na naging asawa ni Kim sa pelikula.

“Oh My God, ano nga, biglaan nga ‘yung pag-aya sa kanya (Piolo) kasi ‘yung ending namin, wala pa talagang ending ‘yung kuwento habang nagsu-shooting.

“Sabi nila, huwag na lang daw gawing mistresses lahat, ‘yung iba may ibang buhay tapos naghahanap kami ng leading man, so noong tinanong si Papa P, um-oo siya kaagad.

“Kaya sobra kaming happy, sobra kaming thankful kay Papa P, cameo-cameo lang pero pumayag talaga siya, so iyon, nakatutuwa,” masayang pahayag ni Kim.

Inamin din ng dalaga na noon pa raw niya pinangarap makasama ang actor.

“Siyempre masaya, noon pa talaga gusto kong maging leading man si Papa P. ‘Pag artista ka at kapag tinanong ka kung sino ang gusto mong maging leading man, si Papa P ganoon,” say ni Kimmy.

Tinanong namin kung kompleto na ba ang career niya kung maging leading man niya si Piolo.

“Hindi naman kompleto parang kasali ka na sa industriya ng showbiz, siya po kasi ang may-ari ng Star Magic, ha, ha, ha,” nagbirong sabi ng dalaga.

Paano na si Xian Lim, wala bang forever sa team up nila?

“Si Xian, siyempre project ‘yun, eh, siya naman ang love team niya ngayon si Angel Locsin (Visayan accent) doon sa Vilma (Santos) Angel movie.

“Umiikot-ikot naman ‘yan, eh. Pero mayroon naman kaming project na kaming dalawa, ‘yung teleserye namin next year,” paliwanag ng aktres.

At sa pelikulang pagsasamahan sana nila nina Kris Aquino at Herbert Bautistana entry ng Star Cinema sa MMFF ay alam na ba ni Kim na hindi na ito matutuloy?

“Oo, si Tita Malou (Santos) magsasabi sa inyong lahat,” biro ng dalaga.

Umatras na raw ang Queen of All Media dahil hindi nasunod ang hiling niyang director of photography o cinematographer,” ano, irespeto na lang natin siya, siguro naman naka-gain na siya ng respect to each and every people sa industriyang ito at sa fans niya,” pagtatanggol ni Kimmy sa ate Kris niya.

Sabi pa ni Kimmy, ”‘yung ipinost niyang ‘I’m sorry, I’m a Jerk’ sa Instagram. Sabi ko, ‘ate Kris, hindi ka ganoon’. Ganoon ang desisyon niya, so let’s just respect.”

May nagtanong kung totoong mahina raw ang Etiquette For Mistresses,”Tanungin natin si tita Malou, huwag ako,” sagot ng dalaga.

Nanghinayang ba ang aktres na hindi tuloy ang Kris-Bistek movie,”nanghinayang kasi ngayon lang ulit ako makakasama sa MMFF, una ‘yung ‘Shake, Rattle and Roll’ tapos nag-‘I Love You Goodbye’ (2009).”

At wala raw idea si Kim kung tuloy pa rin ang KimXi sa pelikula kahit na hindi na sina Kris at Herbert ang bida, ”si tita Malou raw ang mag-a-advise next week,”mabilis na sabi sa amin.

Samantala, isa si Kim sa special guest ng ATC Healthcare 10th year anniversary noong Sabado na ginanap sa Makati Shangrila Hotel at buong ningning niyang iniendoso sa entertainment press ang Fat Out Supplement para raw maging kasing sexy namin siya.

Ano ba ang magandang nagawa ng Fat Out supplement sa dalaga at talagang ipinagmamalaki niya ito? ”Subukan mong uminom ng Fat Out, magiging ganito (sabay turo sa katawan niya) ang katawan mo, mawawala mga bilbil mo kasi ilalabas niya lahat ng fats mo at saka nakalilinis ng colon para hindi ka magkaroon ng cancer, tatae ka lang ng tatae.

“I-advise ko sa lahat ng kaibigan ko ang Fat Out kasi mahusay talaga kaya kung mahal n’yo mga kaibigan n’yo sabihan n’yo uminom nito,” nakangiting sabi ni Kimmy.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …