Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, super proud kay Arjo lalo na nang purihin ni Direk Malu

071415 sylvia arjo

00 fact sheet reggeeANG saya-saya ni Sylvia Sanchez sa mga naririnig niyang magandang feedback tungkol sa anak niyang si Arjo Atayde sa papel nito bilang si Joaquin sa Ang Probinsiyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Nakatsikahan namin si Ibyang (tawag kay Sylvia) sa telepono kamakailan at naikuwento niyang ang sarap ng pakiramdam niya dahil pinuri nang husto ni direk Malu Sevilla si Arjo.

“Nagkaroon kasi ng reunion ang ‘Tabing Ilog’ cast, eh, kasama ako roon, nanay ako ni John Lloyd Cruz, hindi mo na alam?” paalala sa amin.

“Tapos si direk Malu, siya ang direktor namin, tapos nabanggit nga niya na ang galing nga raw ni Arjo at sobrang bait, walang isyu, so siyempre bilang ina, natutuwa ako, sobrang proud ako sa anak ko.

“Kaya sobrang nagpapasalamat ako kay direk Malu at sa buong Dreamscape Entertainment kasi binigyan nila ng magandang role si Arjo at nabigyan siya ng chance na makatrabaho si Coco Martin, eh, gustong-gusto ni Arjo si Coco.

“Alam mo ba ‘yung feeling na ganoon Reggs na pinupuri ang anak mo, siyempre proud nanay ako,” masayang tinig ng aktres sa kabilang linya.

Hindi na raw siya ulit nagtanong pa dahil nahiya na siya kina direk Malu, sapat na raw ‘yung mga narinig niya at sa iba pang co-stars ng aktor.

Isa pang ikinatutuwa ni Ibyang ay tungkol naman sa anak niyang si Ria Atayde na kasama niya sa Ningning bilang si Teacher Hope.

“Magaganda rin ang feedback kay Ria kaya natutuwa ako, sabi ko nga kailangan pa ni Ria mahasa sa acting kasi siyempre bago pa lang. Si Arjo, ok na, kumbaga nauna na siya,” sabi pa ng aktres.

Ang bilis nga ng lahat dahil pangarap ni Arjo na maka-eksena ang nanay niya at nangyari iyon sa Pure Love na inabot siya ng tatlong taon bago nangyari samantalang si Ria, unang serye palang ay kasama na niya si Sylvia.

“Oo nga, natatawa nga ako kapag magka-eksena kami, kasi siyempre hindi kami magkaano-ano sa ‘Ningning’, tapos ‘pag kinakausap ako tawa ng tawa kaya sinisita ko.

“Sabi niya, natatawa raw siya sa akin, sabi ko naman bakit kailangan niyang tumawa,  luko-luko ‘yang si Ria,” tumatawang kuwento ng proud mama ng magkapatid na Arjo at Ria.

Speaking of Ningning, walang sinasabi ang production kung anong mangyayari sa kuwento ni Ketchup Eusebio na nawalan ng asawa kung magkakaroon ba ng step mother si Ningning o hindi na.

“Walang sinasabi, hindi ko alam, kung ano lang ‘yung dumating na script sa akin, ‘yun lang pinag-aaralan ko,” sabi ni Ibyang.

Looking forward si Sylvia sa pagpunta niya sa Amerika sa Nobyembre para tanggapin ng personal ang Gawad Amerika award.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …