Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

P.5-M penalty sa 2015 MMFF, aakuin ni Tetay

100515 kris aquino

00 fact sheet reggeeAAKUIN ni Kris Aquino ang penalty na P500,000 kapag hindi na talaga matutuloy ang pelikulang All We Need Is Love na entry ng Star Cinema sa 2015 Metro Manila Film Festival, base sa pahayag ng Queen of All Media nang huling maka-usap siya ng TV reporters sa block screening ng Etiquette For Mistressessponsored ng kaibigan na si Boy Abunda.

Ayon sa panayam kay Kris, ”I apologized wholeheartedly to Tita Malou Santos and the rest of Star Cinema, sa lahat ng stress na ibinibigay ko sa kanila rito sa proyektong ito.

“Ayokong magsalita ng patapos, pero ka-text ko rin si Direk Tonette (Jadaone) at nagso-sorry din siya sa akin.

“Sabi niya, sa rami ng pinagdaraanan namin, parang hindi niya rin mabuo-buo ‘yung kuwento.”

“Aakuin ko dahil may penalty na P500,000 per person na kailangan kong ibigay sa MMDA. Share namin ni Bimby ‘yun dahil dalawa kaming nakalista.

“Yung kinita ko sa ‘Etiquette’, pambabayad ko lang sa penalty ng pelikula.”

Nasulat namin dito sa Hataw na inaayos pa rin ng Star Cinema ang problema pero as of this writing ay wala kaming nakuhang sagot kung tuloy o hindi na ang pelikula.

Ang DOP o director pf photography na gusto ni Kris ay hindi raw puwede dahil may una itong commitment.

“Actually kasi, nagkaproblema kami sa DOP.

”Kasi ‘yung DOP for ‘Etiquette for Mistresses’, ‘yun ang inire-request ko talagang DOP o cinematographer ko para roon sa movie.

“Maiintindihan ninyo naman ako dahil talagang inaalagaan ako roon sa shoot.

“Parang ine-explain ko sa kanila na, roon na nga sa story na ginawa ninyo, ako na nga ‘yung babaeng laging hindi pinipili, babaeng inayawan.

“’Di ba ninyo kayang ibigay sa akin na sa movie naman pagandahin ninyo ako, para ‘pag nanonood naman ang mga tao, sasabihin nila, ‘Ano ba ‘yan? Bulag ba ang lalaking ‘yun?’

“Hindi maayos-ayos ‘yung sked, so, sinabi ko na baka lang talaga na it’s a sign from God na huwag nating ipilit ito,” kuwento ng TV host/actress.

Inamin din ni Kris na talagang pinagalitan siya ng Star Cinema boss, ”napagalitan nga ako sa ipinost ko dahil emotional ako. Hurt na hurt ako.

“Pinuntahan ako ni Neil Daza (DOP) para mag-sorry.

“So, pag-uwi ko, naiyak na lang talaga ako. Ang lungkot-lungkot ko na parang I want to work so badly with Direk Tonette,” sabi pa.

Samantala, abala naman noong isang araw si Kris sa kaliwa’t kanang block screening ng Etiquette For Mistresses na ginanap sa Robinsons Magnolia na sponsored ng mga kaibigan niyang sina Paul Cabral, Beabi & Party Perks; Glorietta mula 12 noon hanggang LFS sponsored ng Made In Candy Plasterglass MFG at Skechers; Eastwood Mall handog ng Red Crab Group; SM Tarlac at Trinoma.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …