Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hog-nosed rat nadiskubre sa Indonesia

101215 hog nose rat
NADISUBRE ng mga researcher sa Indonesia ang bagong species ng mammal na kung tawagin ay hog-nosed rat, na pina-ngalanan dahil sa anyo nito, na ayon sa mga siyentista ay ngayon pa lang sila nakakita.

Ang ‘da-ga’ ay natagpuan sa masukal at bulubunduking rehiyon ng isla ng Sulawesi sa central Indonesia, pahayag ng mga siyentista ng Museum Victoria sa Australia.

Ang hog-nosed rat na Hyorhinomys stuempkei ay may anyong “never seen by science before” wika ng mga researcher sa opisyal na pahayag sa media.

Ang pagkakadiskubre ng kakaibang daga ay isinagawa ng grupo mula sa Indonesia, Australia at Estados Unidos.

Bukod sa malaki, pango at kulay pink na ilong, na may forward-facing nostrils katulad ng sa baboy, ang Hyorhinomys stuempkei ay may malalaking tainga, maliit na bibig at mahahabang ngipin sa harapan.

Sa mga larawan na ipinakita ng mga siyentista, ma-kikitang kasing laki ito ng normal na daga.

“Namangha talaga ako na sa paglalakad namin sa kagubatan ay makakakita kami ng bagong species of mammal na masasabing iba sa iba pang species ng hayop na tulad nito . . . na hindi pa nai-dodokumento ng siyensiya,” wika ni Kevin Rowe ng Museum Victoria na kasama sa grupo ng mga researcher.

Sinasabing ang Hyorhinomys stuempkei ay carnivorous, o karne lang ang kinakain, at marahil ay kumakain ng mga uod sa lupa at larvae ng mga salagubang.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …