Sunday , December 22 2024

Bongbong deklarado magbi-VP (May running mate o wala)

1011 FRONTTULOY ang pagtakbo ni Senador Ferdinand Marcos Jr., sa pagka-bise presidente sa 2016 elections, may running mate man o wala.

Sa ginanap na paglulunsad ng Bongbong Marcos for Vice President sa Intramuros, Maynila, kinausap ng anak ni dating strongman Pangulong Ferdinand Marcos ang libo-libo niyang mga tagasuporta at inilatag ang kanyang plataporma de gobyerno.

Kasabay nito, inakusahan niya ang administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III nang kawalan ng aksiyon para maresolba ang lumulubhang kahirapan, pagkalat ng droga, talamak na kriminalidad at pagkasira ng mass transport system sa bansa, partikular ang Metro Railways Transit.

Ayon kay Marcos, sa bansa ay mayroong iba’t ibang uri ng criminal syndicates, drug lord at gambling lord.

Sila aniya ang komokontrol sa awtoridad, sa pulisya na siyang nagbibigay ng proteksiyon sa mga drug lord at minsan mismong ang mga pulis ang drug lords.

Aniya, ayon sa statistics, 93% ng barangay sa Metro Manila ay sangkot sa illegal drugs. Nasa lahat aniya ng lugar ang krimen. Pagpatay, nakawan at kidnapping.

“May MRT nga tayo, palagi namang sira. Walang alam at corrupt ang mga namamahala ng ating MRT. Nagtitiis ang ating mga kababayan na mag-MRT kahit mahaba ang pila. Mainit pag may araw; nababasa naman kapag umuulan. Pagsakay nila, para naman silang sardinas. Siksikan. Pinagtitiyagaan nila ang MRT dahil wala naman silang ibang masasakyan na maayos. Isinusugal nila ang buhay at kaligtasan nila dahil wala na silang ibang magagawa.”

Binatikos din ni Marcos ang kawalan ng suporta at malasakit ng gobyerno sa mga biktima ng bagyong Yolanda at pamilya ng 44 miyembro ng Special Action Force na napatay sa pakikisagupa sa hinihinalang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero.

Ang kandidatura ni Marcos ay inendorso nina Manila Mayor Joseph Estrada at Senador Juan Ponce Enrile.

Pinuri ni Estrada ang kwalipikasyon ni Marcos para sa posisyon ng bise presidente dahil sa kanyang malawak na karanasan bilang senador at pagiging dating gobernor ng Ilocos Norte.

“Isang karangalan para sa akin na i-endorso ang ating kagalanggalang na senador, walang iba kundi si Senator Bongbong Marcos,” pahayag ni Estrada.

“Itong araw na ito bilang ating kandidato sa pagkapangalawang pangulo ng ating bansang Filipinas sa darating na halalan sa susunod na taon. Hindi ako nagdalawang-isip at lalong hindi ako nahirapan na gawin ang desisyong ito,” aniya.

Bukod kay Estrada, si Marcos ay sinuportahan din nina Tacloban Mayor Alfred Romualdez at misis niyang si Cristina Gonzales,  Las Piñas City Rep. Mark Villar, dating Manila Rep. Harry Angping at misis niyang si incumbent congresswoman Zenaida.

Dumalo sa nasabing pagtitipon si dating Unang Ginang at ngayon ay Ilocos Rep. Imelda Marcos at kanyang mga anak na sina Imee at Irene.

Si Marcos ay tatakbo bilang kalaban ng iba pang mga kandidato sa pagkapangalawang pangulo na sina Senators Francis Escudero, Alan Peter Cayetano, Antonio Trillanes IV, Gregorio Honasan, at Camarines Sur Rep. Leni Robredo.

Habang ipinagkibit-balikat niya ang espekulasyong siya ay tatakbong bise presidente ng isang presidential candidate. Gayonman, aminado siyang kumunsulta siya kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte, na nangako ng suporta sa kanya.

“I too will support Mayor Duterte if and when he runs for president,” pahayag ni Marcos.

Aniya, inimbita rin siya na maging vice presidential candidate ni United Nationalist Alliance (UNA) bet Jejomar Binay ngunit hindi naging mabunga ang kanilang pag-uusap. “There were initial talks between our supporters. But any team up with the Vice President must be rooted on a shared vision for our country, a common platform of government as well as political perspectives.”

Dagdag niya: “Unfortunately it would be difficult for me to tame our political differences.”

“For one thing, I believe that elected officials have an obligation to our people to help change the course of our nation’s history by banishing the politics of personality which to me is one of the primary causes why our country today has become a soft state where the rich become richer, the poor become poorer, graft and corruption is endemic, the drug menace pervades, injustice is the norm and government incompetence is accepted.”

“Consequently, I have decided to put my political fortune in the hands of the Filipino people. I humbly ask them to judge whether or not I am worthy of their trust to be Vice President on the strength of my performance as a public servant in the last 26 years: first as former Vice Governor and Governor of Ilocos Norte, then as Representative of the 2nd District of Ilocos Norte  and,  finally,  as Senator of the country.”

Ang pagtitipon ay dinaluhan din ng mga nongovernmental organizations, kabilang ang wo-men’s group, youth, labor at senior citizens.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *