Saturday , November 16 2024

‘Felix Manalo’ parangal sa Filipino (Ayon kay Joel Lamangan)

1009 FRONT

MATAPOS mag-set ng dalawang world record sa katatapos nitong premiere night, nagsimula nang itanghal ang pelikulang “Felix Manalo” sa mga sinehan sa buong bansa ngayong Miyerkoles, na nagbigay sa mga Filipino ng pagkakataong matunghayan ang buhay ng taong nag-umpisa sa pananampalatayang kinabibilangan ng tinatayang tatlo hanggang limang milyong kapanalig sa mahigit isandaang bansa sa mundo.

Inanyayahan ni Joel Lamangan, direktor ng “Felix Manalo” ang publiko na panoorin ang historical drama kasabay ng pahayag na ang sine-talambuhay na nagtatanghal sa aktor na si Dennis Trillo bilang si Iglesia Ni Cristo (INC) founder Felix Manalo ay “hindi lamang tungkol sa buhay ng isang di-pangkaraniwang tao – ito ay isang parangal sa Diwang Filipino.”

“Ang kwentong Felix Manalo ay nagbibigay ng pagkilala sa istorya ng bawat Filipinong hindi nagpadaig sa kahirapan upang makamit ang mga pangarap at inaasam sa buhay. Hindi mo kailangan maging kasapi ng INC para maintindihan ang katotohanang iyon,” ayon sa premyadong direktor.

Ayon kay Lamangan, “ang Filipino ay kilala ng mundo bilang pinaka-resilient na lahi, kaya nating pagtagumpayan ang lahat ng hamon, dala man ng kalikasan o gawang-tao – at iginigiit ng Felix Manalo ang mga patunay dito.”

Umaasa si Lamangan na ang panibagong interes sa mga pelikula tungkol sa kasaysayan ng bansa na pinukaw ng “Heneral Luna” ay siya rin magtutulak sa  publikong panoorin ang “Felix Manalo” dahil babalikan ng nasabing obra ang pagsibol ng pananampalataya kaugnay sa mga pangunahing pangyayari sa kasaysayan ng bansa.

“Ipinakita ng Heneral Luna na may merkado ng mga manonood para sa mga pelikulang gaya nito,” ayon sa direktor ng mga pelikulang gaya ng The Flor Contemplacion Story, Sidhi, Deathrow, Hubog, Aishte Imasu 1941, Blue Moon, at Mano Po na umani ng karangalan at pagkilala sa buong mundo.

“Umaasa kaming ang tagumpay sa takilya ng mga historical drama ay magbubukas ng pinto para sa mga katulad na proyekto sa hinaharap upang hindi lang magbigay-aliw sa mga manonood kundi magturo at magmulat din sa kanilang mga kamalayan,”

Ang “Felix Manalo” ay nag-premiere noong Linggo at nagtala ng Guiness World Record bilang “Largest Audience At A Film Premiere” at “Largest Audience At A Film Screening” dahil sa 43,624 kataong nanood. 

Sa buong industriya, ito na ang umano’y pinakamahal na pelikulang iprinodyus ng Viva Films – na kinatampukan ni Dennis Trillo bilang si Felix Manalo at Bela Padilla bilang asawa niyang si Honorata de Guzman-Manalo. Kabilang din sa mang tampok na gumanap sina Gabby Concepcion, AJ Muhlach, Heart Evangelista, Snooky Serna, Gladys Reyes, Joel Torre, Elizabeth Oropesa, at Jaime Fabregas.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *