Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

LTO, sinungaling pa rin!

00 aksyon almarTATLONG buwan.

‘Yan ang pangako ng Land Transportation Office (LTO) sa mga car owner na nag-renew ng kanilang rehistro, para sa kanilang bagong plaka (kulay puti at itim). Talaga? Tumahimik nga kayo riyan! Mga sinungaling!

Totoo, sinungaling ang pamunuan ang LTO dahil mismo ang inyong lingkod ay nakaranas ng katarantaduhan at pagsisinungaling ng LTO.

Iyong January 2015 na plaka ng sasakyan ko, aba’y nakuha ko makalipas ang apat na buwan. Kaya, ano ang ipinangalalandakan (magpahanggang ngayon) ng LTO na promise after three months, okey na ang plaka ninyo. Ulol!

Marami nang nagrereklamo hinggil sa kakuparan ng LTO at nangako naman ang ahensiya na sisikapin nila ang lahat ng kanilang makakaya na tuparin sa loob ng tatlong buwan.

Pero wala pa rin palang pagbabago ang LTO, ganoon pa rin – masipag lang silang magpabayad para sa bagong plaka na kasinglambot ng plastik. Ikompara mo kasi ang material ng bagong plaka sa dati, aba’y nakapalayo. Matibay ng 200% ang lumang plaka.

Batid natin na hanggang ngayon ay walang pagbabago ang LTO o patuloy na nagsisinungaling, patuloy sa kapalpakan, patuloy sa panloloko makaraang makatanggap uli tayo ng mga reklamo hinggil sa kabagalan ng pagbigay ng bagong plaka.

Sa sumbong, hanggang ngayon pala ang mga nag-renew ng kanilang rehistro noong Abril 2015 at nagbayad ng P450 para sa bagong plaka ay buwisit na buwist na sa LTO.

Bakit?

Bakit? Ano pa nga ba kundi hanggang ngayon kasi ay wala pa ‘yong kanilang plaka. Mangilang beses na silang nagsagawa ng follow-up sa LTO pero wala pa rin ang plaka.

Ang ikinabubuwisit ng ilan sa nagsumbong ay malimit silang nasisita sa highway – madalas sila kasing bumibiyahe. Pinatatabi at nasisita  sila ng mga operatiba sa highway – LTO at HPG  dahil nga sa nakikitang expired ang kanilang rehistro sa pamamagitan ng kanilang lumang plaka (walang sticker na 2015). Katunayan ay hindi na uso ang sticker ngayon para sa bagong plaka.

Hayun, pinakawawalan lang sila kapag naipakita nila ang photocopy ng kanilang bagong rehistro at para sa binayarang bagong plaka.

Oo nga’t ayos ang lahat – pinapakawalan sila pero ang nakaiinis lang daw iyong abala. Nang magpunta nga sa Baguio ang isa sa nagsumbong, tatlong beses siyang pinatabi at sinita.

Clear naman daw siya matapos ipakita ang lahat ng dokumento kaya lang, abala at nakaiinis ang mga naninita. Masyadong maaangas at nagpaparinig pa ng kung ano-anong violation na animo’y nagpapahiwatig ng lagay. Kapag kinagat mo ang parinig nila, naku baka mapapabunot ka ng kuwarenta y singko…pesos at hindi naman baril.

Cheap ano.

Ano pa man, ano ba talaga LTO… bulok na nga ‘yan bagong plaka ninyo…napakamahal na nga…ilegal pa nga raw….wala naman totoong security number… bla bla bla…hanggang ngayon ay palpak pa rin ang serbisyo ninyo. Wala pa rin ang mga bagong plaka.

Hindi kaya naibulsa na ang para sa plaka kaya masyadong naantala na ang pagpapagawa nito? Hindi kaya naitabi ang mga ibinayad dito para gamitin sa halalan?

Nagtatanong lang po.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …