Kaya habang kausap namin siya ay pulang-pula ang mga mata ng aktor dahil galing sa pag-iyak at talagang super nagpapasalamat siya dahil napasama siya sa pelikula.
“Wala akong masabi talaga kasi naging parte ako ng pelikula at ibinigay sa akin ang papel na Ka Erdy.
“’Yung respeto ko sa kanila ay ganoon na lang kasi para sa akin second chance na ito sa buhay na makabalik ako rito (Pilipinas) tapos mayroon pang ganoong blessings, so nakita ko naman ‘yung mga turo at paniniwala ni Ka Felix at saka ng INC (Iglesia Ni Cristo) kaya wala akong masabi talaga kasi sa Biblia lang talaga ang pinagbabasehan ng lahat at nakaiiyak talaga kanina hindi ko mapigilan, especially ‘yung digmaan, marami tapos may mga trahedya pa.
“It’s historical, may pinanggalingan, may pinuntahan, may resulta lahat ng paniniwala nila, lahat ng itinayo ni Ka Felix at sumunod sa kanya iisa ang paniniwala.
“Overwhelming, hindi ko na alam kung anong word pa ang sasabihin, ang ganda ng pelikula, ang galing ni direk (Joel Lamangan), ang galing ng sounds, editing, production design etcetera.
“It’s my first to be part of the (Guinness) world record and it will lasts long,long time.
“Hindi ko na kailangang humalungkat sa history books (tungkol sa INC) ayan na, panonoorin mo na lang, hindi lang para sa INC ang pelikulang ito, para lahat ng Filipino,” kuwento ni Gabby.
At sa tanong namin kung posibleng maging kaanib na si Gabby sa Iglesia Ni Cristo, ”eh, sabi nga ni direk (Joel), hindi pa huli ang lahat, posible, (iisa) naman ang Diyos at (iisa) ang Biblia,” mabilis na sagot ng aktor.
Sa Greenhills, San Juan lumaki si Gabby at malapit daw sa kanila ang Kapilya ng Iglesia Ni Cristo na roon din nanirahan ang unang Sugo na si Ka Felix kasama ang pamilya.
Kuwento pa ng aktor na tinatanaw lang daw nila noon ang Kapilya ng INC at maski raw gusto nilang mapasok at makita ang loob ay hindi nila nagawang gawin kasi hindi naman sila miyembro.
Kaya sa shooting ng Felix Y. Manalo ay nasilip nina Gabby at iba pang cast ang bahay na kilakihan si Ka Erdy (papel ng aktor) at pamilya nito.
Samantala, ipinalabas na ang Felix Y. Manalo kahapon sa mahigit na 300 sinehan sa buong bansa mula sa Viva Films at Iglesia Ni Cristo na idinirehe naman ni Joel Lamangan.
FACT SHEET – Reggee Bonoan