Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dennis at Bela, nanginig ang kalamnan sa rami ng nanood ng Felix Manalo

100715 dennis trillo bela padilla

00 fact sheet reggeeHINDI na bago ang Iglesia Ni Cristo sa award ng Guinness Book of Recordsdahil may hawak na silang walong record at noong Linggo ng gabi ay muling nakatanggap ang INC ng dalawang Plaque of Certification buhat sa Guinness Book of Records representatives Marco Frigatti at Victoria Tweedey.

Ang plakeng natanggap ay para sa Largest Attendance For A Film Screening atLargest Attendance For A Film Premiere para sa Felix Y. Manalo movie na produced ng Viva Films na idinirehe naman ni Joel Lamangan.

Ang mag-amang Viva bosses Vic Del Rosario at Vincent Del Rosario ang kasamang tumanggap ng Plaque bilang producers at sina INC representative KaEdwil Zabala, Bienvenido Santiago, Glicerio Santos Jr. at Glicerio Santos III.

Ayon sa taga-Guinness Records representatives, umabot sa 43,624 katao ang dumalo sa World premiere ng Felix Manalo na ginanap sa Philippine Sports Arena mula sa kabuuang 55,000 seating capacity.

Hawak dati ng documentary film na Honor Flight ang titulong Guinness World Record for Largest Attendance For A Film Screening na may 28,442 attendees noong Agosto 2012.

At ang pelikulang The Chronicles of Narnia: Prince Caspian ang may hawak ngGuinness World Record for Largest Attendance For A Film Premiere na umabot sa 10,000 ang dumalo sa premiere na ginanap sa 02 Arena, London, noong  Hunyo 2008.

At ngayon ay ang Viva Films producers at ng Iglesia Ni Cristo na ang bagong may hawak ng record na tinanggap ang parangal mula sa Guinness Recordsrepresentatives.

Ang mga bidang sina Dennis Trillo at Bela Padilla ay nanginig ang mga kalamnan nang makita ang libo-libong taong dumalo sa nasabing grand premiere ng Felix Y. Manalo sa Philippine Sports Arena.

Samantala, mapapanood na ang pelikulang Felix Y. Manalo sa mahigit na 300 sinehan mula sa direksiyon ni Lamangan produced ng Viva Films at Iglesia Ni Cristo.

 

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …