Friday , November 15 2024

Suspected bomber sa Saudi inaalam pa kung Pinay

INILINAW ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi pa maaaring masabi na Filipina talaga ang naarestong kasama ng isang Syrian kaugnay sa terror plot sa Saudi Arabia.

Wika ni DFA spokesman Asec. Charles Jose, lumabas lang sa mga report na Filipina ang nahuling babae ngunit hindi pa personal na nakakausap ng mga opisyal ng embahada ng Filipinas ang nabanggit na suspected bomber.

Lumabas kasi ang report sa Saudi Gazette, bagay na kinuha naman ng iba pang mga ahensiya, kasama na ang local media sa Filipinas.

Kung sakaling matitiyak na Filipina nga ang naarestong kasama ng terorista o kaya ay matutuklasang biktima lamang siya ng sitwasyon, agad aniyang magbibigay ng tulong ang DFA.

Lumabas din sa ilang impormasyon na pinuwersa ng Syrian ang Filipina na sumama sa kanyang mga plano, makaraang tumakas ang OFW mula sa kanyang employer noong nakaraang taon dahil sa hindi pa mabatid na rason.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *