Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piolo, pinakasikat pa ring artista ng Dos!; Jadine, na-miss ng taga-Binan

100615 piolo pascual jadine

00 fact sheet reggeeHABANG nanonood kami ng ASAP20 na ginanap sa Alonte Sports Arena sa Binan, Laguna noong Linggo ay nakatanggap kami ng sunod-sunod na mensahe kung bakit wala ang JaDine (James Reid at Nadine Lustre).

Sinagot namin na may taping ng On The Wings Of Love ang JaDine kaya hindi nakarating sa ASAP20 biyaheng Binan bilang bahagi sa selebrasyon ng Kapamilya Day ng ABS-CBN.

Oo nga, nakagugulat na noong ipinakita ang trailer ng OTWOL ay grabe ang hiyawan sa loob ng Alonte Sports Arena na hindi nakaligtas sa mga nanonood sa telebisyon dahil tinanong din kami ng mga kasama namin sa bahay na maraming naghihiyawan sa JaDine.

Isa pang ikinagulat din ng mga manonood sa telebisyon ay noong lumabas daw sina Daniel Padilla at Enrique Gil sa production number nila ay dinig din daw na mas maraming humihiyaw sa leading man ni Kathryn Bernardo kompara sa ka-loveteam ni Liza Soberano.

Sabi namin na hindi na namin napansin dahil ang alam namin ay parehong tinilian ang dalawang aktor habang kumakanta sila at mas lalo na noong lumabas ang dalawa nilang leading lady na sina Kathryn at Liza.

Expected nga rin ng mga nasa Alonte Sports Arena ay susunod ng lalabas ang JaDine pero no show ang dalawa kaya desmayado ang ilan.

At hiyawan din noong ipakita Ang Probinsiyano ni Coco Martin, pero hindi rin nakita ang aktor dahil may taping din, kaya ang isa sa leading lady niyang si Maja Salvador ang bumawi at sumayaw sila ni Enrique sa dance showdown nila na inaabangan linggo-linggo.

Winner din ang Nathaniel cast na panalo sa opening tulad nina Gerald Anderson, Rayver Cruz, at Shaina Magdayao na kasama sina Enchong Dee, Maja, at Kim Chiu na tili ng tili maski na super paos na.

Kasama rin sa tinilian ang mga Gimme 5 kids sa pangunguna nina Nash Aguas at kasama ang kani-kanilang ka-loveteam na napansin si Alexa Ilacad na mukhang malusog ngayon na tila walang pinagkaka-abalahan kaya napapasarap ang pagkain.

Maging si Jane Oneiza ay napansin din ng mga nanood na chuma-chubby na rin, ayaw ng fans.

Hindi rin nagpakabog ang tambalang Aaron Villaflor at Yen Santos para sa All Of Me serye na napapanood sa hapon dahil hiyawan to the max din ang lahat at may mga nagtanong din kung nasaan si JM de Guzman.

Nakatutuwa na kasama rin sa production number ang cast ng Ningning na sina Ketchup Eusebio, Jana Agoncillo, at John Steven de Guzman bilang si Mac Mac.

At pagkatapos ng prod number ay nakita naming lumapit mismo si ABS-CBN head for Free TV, Ms Cory V. Vidanes kay Ketchup para kamayan at may sinabi na tuwang-tuwa naman ang aktor.

Curious kami kung anong sinabi ni CVV (tawag kay ma’am Cory) kay Ketchup, bibigyan na kaya siya ng bagong partner sa Ningning?

Hmm, bakit nga pala wala si Ria Atayde bilang si Teacher Hope?

Siyempre, hindi naman nagpahuli sa tilian ng mga bagets at mature girls sa production number nina Anjo Damiles, Jerome Ponce, Joshua Garcia, Diego Loyzaga, at Richard Yap na sabi nga ng mga katoto ay ‘tatay’ ng mga batang aktor sa kanilang production number.

In fairness, hindi nagpatalbog si Ser Chief/Papa Chen sa mga kasama niyang bagets actors, huh talagang sing din siya para sa promo ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita bukod pa sa dueto nila ni Vina Morales na katambal niya sa serye.

At siyempre, kung hinayawan at nagtitilian to the maximum level ang halos 5,000 tao sa loob ng Alonte Sports Arena sa mga nabanggit ay hindi rin nagpakabog ang medyo senior stars ng ASAP20 sa pangunguna nina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Vina, Erik Santos, Jed Madela, at Piolo Pascual.

Si Piolo pa rin ang masasabi naming pinakasikat na artista ng ASAP20 base sa nasaksihan at narinig naming reaksiyon ng mga taga-Binan.

Pati nga ang mayor ng nasabing bayan na si Ms Len Alonte ay kilig na kilig kay Piolo at iniuwi pa ang ibinigay na rosas sa kanya ng aktor.

Samantala nagtanong kami sa mga security na pulis na nakatalaga sa palibot ng Alonte Sports Arena kung ano ang mas mataong show, ang Showtime o ang ASAP20?

“Ngayon po (ASAP20), partida umulan pa ‘yan, kung hindi ‘yan umulan mas lalo pa sana,” sabi ng mga napagtanungan namin.

At totoo nga dahil noong lumibot ang sasakyan namin sa labas ng arena ay marami pa palang taong nasa labas na tinatayang nasa 3,000 at naka-payong dahil nga umuulan dahil pagkatapos pala ng ASAP20 ay may meet and greet pa ng KathNiel fans.

Samantala, abangan ang ASAP20 goes to Cebu City sa Oktubre 18, Linggo.

Ini-launch na rin ng ABS-CBN HD channel simula noong Sabado, Oktubre 3 na mapapanood sa SKY ad Destiny cable subscribers with Sky Cable HD Digibox.

Mapapanood ito HD 24/7 sa Kapamilya viewers ng Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna at San Jose del Monte, Bulacan via channel 167 at sa mga taga Cebu Davao, Bacolod, Iloilo at Baguio ay mapapanood naman sa channel 700.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …