Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Instagram, libreng publicity ni Ai Ai

100615 aiai delas alas pabebe aldub

MAHILIG mag-post itong si Ai Ai Something ng selfie photos niya sa kanyang Instagram account.

Recently, ipinost niya ang photo while doing the Pabebe wave. Kaso lang, nag-surface ang mga photo na iyon sa isang popular website kaya naman bash na kaliwa’t kanan ang inabot ng laos na komedyante.

“Papampam, nakikisakay nalang sa pabebe wave ang laosyang. Lol”

“Wiz ka ng relevance teh.”

“Feeling sikat. Sumasali sa sikat”

“Parelevant si baba”

Ilan lang ‘yan sa mga masasakit na comment na aming nabasa against Ai Ai. But there’s one na tila kampi kay Ai Ai at ipinagtanggol siya nito by saying, “anobayan!!mga nega masyado tao dito porket nakijoin pagpabebe parelevant agad hinde ba pwede natutuwa lang din sya sa aldub..peace yow!! =)”

Actually, nagsalita na nang patapos si Ai Ai last December na ayaw na niyang mag-social media dahil kung sino-sino lang ang bumabatikos sa kanya. Isinara nga niya ang kanyang Instagram account dahil na rin sa dami ng bashers niya.

Pero noong January lang, muling binuksan ni Ai Ai ang kanyang Instagram account. Ang paliwanag niya, kailangan niyang mag-Instagram dahil mayroon siyang Valentine concert. Ang kaso, napalpak ang concert kahit todo promote si Ai Ai. Hindi kasi nagbayad ang producer sa mga crew at kasama sa concert kaya hindi natuloy.

Actually, ang feeling namin ay gusto ni Ai Ai na may Instagram siya para ma-pick up ang kanyang mga ipino-post. Gustong-gusto niyang pinag-uusapan siya to make her still relevant  sa showbiz and one way of achieving this is to maintain a social media account, ang Instagram nga.

Hindi ba’t doon niya ipino-post ang mga photo ni Jiro Manio para magbigay ng update about the young actor. Entonces, napag-uusapan siya, nagkakaroon pa siya ng libreng publicity dahil pini-pick up ang messages niya roon.

 

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …