TINANGGIHAN daw ni Carla Abellana ang isang role sa Little Mommy na isa sa mga tampok na artista ay si Nora Aunor.
Ang chika, hindi raw type ni Carla ang teleserye dahil panghapon ito at hindi pang-primetime. Parang lumalabas tuloy na tinanggihan niya si Nora na makasama sa isang project.
Si Kris Bernal ang ipinalit ng Siete kay Carla.
Alam kaya nitong si Carla na she just missed the rare chance na makasama si Ate Guy sa isang project? Lahat ng artista ay nangangarap na makatrabaho ang premyadong aktres, nasa bucket list nila ang makasama maski na sa isang eksena lang si Ate Guy.
Ano ba ang feeling ni Carla, demotion ang paglalagay sa kanya sa afternoon slot?
Kung ang manager man niya ang may desisyon na ‘wag tanggapin ang project ay hindi pa rin kapani-paniwala. Puwede naman niyang kausapin ng maganda ang manager niya at sabihing gusto niyang makatrabaho si Ate Guy, right?
Carla, starlet ka lang. You have not paid your dues in showbiz, wala ka pang napatutunayan kaya ‘wag kang mag-inarte na akala mo napakalaki mo ng artista.
UNCUT – Alex Brosas