Sunday , December 22 2024

Roxas walang paki – Colmenares (Sa mga empleyadong tutol sa tax reform)

1005 FRONTNAGBABALA si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ngayong Linggo na ang oposisyon ni dating Sec. Mar Roxas sa pagpapababa ng income tax ay pagtangkilik sa kawalan ng katarungan laban sa taxpayers sa ilalim ng daang matuwid.

Walang aasahang kapahingahan sa bayaring buwis lahat ng fixed income earners sa ilalim ng panguluhan ni Mar Roxas dahil nakatuon umano ang pambato ng Liberal Party sa pagpapatuloy sa uri ng pagbubuwis na walang malasakit ng kapartidong si Pangulong  Benigo S. Aquino III.

“Kung ang Aldub ay pinapatay tayo sa kilig, si Pres. Aquino at si Sec. Mar ay pinapatay tayo sa buwis,” ayon kay Colmenares.

“Ilan nang eksperto sa pananalapi at mga ekonomista ang nagpaunlak sa Kongreso upang ipaliwanag na ang pagpapababa ng income tax ay makatarungan, makatuwiran at maaaring isakatuparan. Ang mga kumikita ng P40,000 kada buwan ay dapat 10% lamang ang buwis na binabayaran at hindi sa kasalukuyang 32 percent,” ayon kay Colmenares na pinakaunang kandidatong napabilang sa tiket ng tambalan ni presidential frontrunner Sen. Grace Poe at vice presidential bet Sen. Chiz Escudero.

Isinusulong din ni Poe at Escudero ang tax reform.

“Ang pagmamatigas ni Pres. Aquino at Sec. Roxas na bigyan ang mga obrero ng kapahingahan sa bayaring buwis habang kaliwa’t kanan ang pamumudmod ng administrasyon ng insentibong gaya ng ‘sovereign guarantees’ ay patunay lamang sa pagkamanhid at kawalan ng malasakit sa pinagdaraanang hirap ng ating mga kababayan,” giit ng mambabatas.

“Hinahayaan nila na ang manggagawa ay mabaon sa utang para mapaaral ang anak, ‘wag lang malugi ang mga bilyonaryong negosyante na kaibigan nila. Ang daang matuwid ni Pres. Aquino at Sec. Roxas ay malasakit sa mayaman at pasakit sa mahihirap.”

Dagdag ni Colmenares, ang P30 bilyon ay mawawala umano sa gobyerno at kapag ibinaba ang income tax ay madaling mabawi o mapupunan kung ang pamahalaan lamang ay hindi pumasok sa mga paluging kasunduan at hindi gumasta sa mga walang kabuluhang pagkakagugulan.

“Ang kanilang pagtangging ibaba ang income tax rates, na pinakamataas sa Asya, ay patunay lamang sa mga maling prayoridad ng administrasyon na walang pagmamalasakit sa ordinaryong tao,” paliwanag ng mambabatas.

“Handa si Aquino na magpalabas ng kabuuang P12.5 bilyon taxpayers’ money bilang pambayad sa mga sovereign guarantee upang masiguro ang tubo ng mga bilyonaryong negosyante na nagbabayad ng buwis sa antas na katumbas lamang ng isang direktor sa gobyerno. Hindi makatarungan ‘yan,” ayon kay Colmenares.

Kasabay ng kanyang mga pahayag ang pagbatikos ng mambabatas sa mga isiningit na ‘insertion’ sa panukalang budget para sa 2016 na nagkakahalaga ng P30 bilyon para sa “Risk Management Program” na ipambabayad nila sa  P7.5 bilyong sovereign guarantee para sa pagsasapribado ng LRT-1 at sa line extension project ng nasabing linya ng tren, at ang P5 bilyon sovereign guarantee para sa Maynilad Water Services, Inc.

“’Yung sa LRT 1, wala pa ngang napatunayang violation ang pamahalaan, may guarantee na agad. ‘Yung sa Maynilad, ang taumbayan ang gusto nilang  pumasan at magbayad ng income tax nila. Nakakagalit ‘di ba?” paliwanag ni Colmenares.

“Pero pagdating sa pagbibigay sa fixed income earners gaya ng mga titser at kawani ng pamahalaan, ang pambato ng pangulo na si Roxas ay ipinasa pa sa atin ang obligasyon – pumili raw tayo ng mga proyektong isasakripisyo bilang kapalit ng halagang mawawala dahil sa pagliit ng koleksyon sa income tax.  ‘Classic casique mentality.’ Parang sinasabi ulit nitong si Roxas na ‘bahala na kayo sa buhay n’yo,’”  paliwanag ni Colmenares.

“May isa na kaming nahanap para kay Sec. Roxas. Itong P30 bilyong Risk Management Fund sa 2016 budget. Ito ang dapat na pampuno sa tax relief imbes panseguro sa tubo ng ‘big business.’ Hinahamon namin si Sec. Roxas na itulak ang pagtanggal sa pondong ito sa budget para ito ang maging pampuno sa mawawalng koleksyon mula sa income tax,” pagtatapos ni Rep. Colmenares.”

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *