MAY nakapuna na si Kris Aquino ay palaging sumasabat sa kanyang ini-interview. Hindi pa raw tapos ang pagsasalita ng kanyang guest ay inaagawan na raw ito ng eksena.
“I was watching Kristv today October 1 episode I was just wondering why did Kris invited the Doctor in the set when she won’t even give the Lady Doctor the chance to explain, she’s always butting in hayzzzz OA na as in .. I’m sorry to say that she was so rude and she’s the only one talking parang siya yung guest super duper multi tasking I’m watching this show coz I’m a foodie , through the show I’m able to know which restaurants I should go to when I’m back in Pinas.. What turns me off is yung feeling she’s Ms “know it all” kumalma ka Ms Kris the show is already good you don’t need to try harder..Godspeed,” comment ng isang fan saFacebook account ni Kris.
Marami ang nakakapansin sa attitude na iyon ni Kris. Marami tuloy ang nate-turn off sa kanya.
Actually, ang plus point lang ni Kris, napapaamin niya ang mga celebrity guest niya. She has that power na i-reveal ang mga secret ng kanyang guests.
Actually, marami ang nagtatanong kung bakit hindi pa rin mai-guest ni Kris siSarah Geronimo.
Bakit nga ba? Hindi naman masyadong busy si Sarah ngayon, ah.
Ang feeling namin, natatakot ang manager ni Sarah na kung ano-ano ang masabi ng Pop Star kapag ininterbyu siya ni Kris. Alam n’yo naman si Kristeta, hindi ka titigilan niyan hannga’t hindi ka sumasagot sa kanyang mga tanong.
Isa pa, mahilig mambuking si Kris kaya tiyak na pagpipiyestahan ang mga ire-reveal niya about Sarah.
UNCUT – Alex Brosas