Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michael, nanghinayang na ‘di nakuha ang P1-M sa DOND

070615 Michael Pangilinan

00 fact sheet reggeeHINAYANG na hinayang si Michael Pangilinan dahil hindi raw niya napanalunan ang P1-M sa Deal or No Deal noong Miyerkoles ng gabi.

Galing ng taping ng Deal or No Deal si Michael noong Miyerkoles nang makita namin siya sa Starbucks Imperial Palace na nagpagpag kami dahil galing kami sa burol ng kasamahan sa panulat.

Bungad sa amin ni Michael, ”sayang tita Reggee, P1-M na sana ‘yung makukuha ko sa ‘Deal or No Deal’, iba pa napili ko.”

Ayon kay Michael, dalawang briefcase na lang daw ‘yung natitira at ‘yung isa ay hawak ng kaibigan niyang youngstar na si Sue Ramirez na kasama naman sa seryeng All Of Me nina JM de Guzman, Aaron Villaflor, Ana Capri, Yen Santos, at Albert Martinez.

“Nasa isip ko tita Reggee, nandoon kay Sue, pero iba ‘yung nasa isip ko, parang nagulo ako, kaya hindi ko nakuha, sayang talaga kasi P1-M ‘yun, jackpot sana,”kuwento ng binata.

Inalo na lang namin ang nanghihinayang na si Michael na baka hindi talaga para sa kanya ang P1-M dahil baka siya ang maging grand winner ng Your Face Sounds Familiar season 2 dahil nitong mga nakaraang episode ay talagang winner para sa amin si Michael na ginaya niya sina George Michael, Janno Gibbs, atNick Jonas.

Napangiti lang si Michael at nasabi na lang niya, ”oo nga po tita Reggee, sayang po.”

Anyway, may play si Michael na may titulong Kanser@35, The Musical sa AFP Theater handog ng Gantimpala Theater Foundation, Inc, para sa ika-38 season nila.

Crisostomo Ibarra ang magiging papel ni Michael na talagang aminadong pinag-aralan niya nang husto ang script dahil malalalim ang tagalog at kailangan niyang isaulo pa.

Ang iba pang kasama sa Kanser@35, The Musical ay si Jacob Benedicto na ka-alternate ni Michael (Crisostomo Ibarra), Myramae Meneses (Maria Clara), Bodjie Pascua (Pilosopong Tasyo), Vien Alen King (Elias,) Kate Alejandrino, at Michaela Fajardo (Sisa), Carlo Angelo Falcis (Padre Damaso), Carlo Mañalac (Padre Salvi), William Serrano (KapitanTiago), Queen Mia (Dona Victorina), Meldea Flor Chua (Consolacion), Albert Daniel Silos (Basilio), Angelo Gabriel Ilustre (Crispin), Joey de Guzman (Tiburcio), at Norman Peñaflorida (Alperes).

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …