Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

LizQuen, pinalitan na ng KimXi sa Kris-Herbert MMFF movie

100515 lizquen kimxi

00 fact sheet reggeeOUT na sina Enrique Gil at Liza Soberano at in naman sina Kim Chiu at Xian Lim sa pelikula nina Kris Aquino at Quezon City Mayor Herbert Bautista sa pelikulang All You Need Is Love na ididirehe ni Antoinette Jadaone for Star Cinema na entry sa 2015 Metro Manila Film Festival.

Sabi ng executive ng Star Cinema na si Roxy Liquigan na kaya pinalitan ang LizQuen, ”sked problems.”

Hindi pa raw kasi tapos ang shooting nina Liza at Enrique sa pelikulang Everyday I Love You.

Maging ang manager ni Liza na si katotong Ogie Diaz ay wala ring alam dahil noong i-text namin siya noong Huwebes ng gabi tungkol sa alaga na may balitang paghihiwalayin na ang love teams nila ay nagulat at sinagot kami ng, ”after Everyday I Love You, gagawin nila ang Kris/Herbert filmfest, eh.”

Ano kayang reaksiyon ng LizQuen supporters?

Tinanong namin ulit si Roxy kung bakit walang entry sina Daniel Padilla atKathryn Bernardo sa 2015 MMFF, ”ngarag sa ‘Pangako Sa ‘Yo’.”

Oo nga naman dahil balita namin ay hand to mouth ang taping nila sa PSY.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …