Dagdag niya sa kaibahan ng kanyang masasarap at special na cakes, “Personalized at may sangkap na pagmamahal ang cakes ko. Kasi, gusto mo ang ginagawa mo e, na parang laging first time ka pa lang nagbe-bake ng cake.”
Star-studded ang 46th birthday celebration niya sa Luxent Hotel, ano ang birthday wish niya? “Good health para sa akin at saka sa family at sa mga kaibigan ko. Wish ko rin na sana isang araw, magkaroon ako ng branch sa Manila.”
Dati ay pangarap lang niyang makita ang mga cake niya sa TV, kaya ngayong kilalang-kilala na ang Fernando’s Bakeshop, sobra ang saya niya. ”Oo grabe, dati nanonood lang ako sa GMA Supershow ni Kuya Germs. Naisip ko na sana isang araw ay malagay din sa TV ang mga cake ko.
“Unang-unang cake na ginawa ko sa pelikula, ‘yung My Best-friend’s Girfriend, kina Marian at Richard. Sa TV, ‘yung kay Jed Madela na nag-birthday sa ASAP, cupcake iyon. Sumunod ay kay Gary Valenciano, ‘yun ang unang-unang cake.”
Sila lang ba ang bakeshop na ang letters ng name ng may birthday ay ginawang cake? “Oo, naisip ko kasi iyon dahil sabi sa ASAP, dapat ay laging hina-highlight ang name ng may birthday. ‘Yung sa cupcake, ini-sip ko na ‘yung mga mukha nila. Naisip ko rin ‘yung cupcake na may name, may mukha at nakatayo. Ginagaya na nila ang cupcake, kaya naisip ko ang cupcake na may paa na parang tao na talaga.”
Ano ang sikreto kung bakit gusto ng mga artista ang kanyang cakes? “Mahalaga kasi sa akin na matuwa ang mga tao. Hindi lang basta mabigyan ko sila ng cake, may kasamang pagmamahal iyon. Kahit hindi nga nila ako pasalamatan e, basta matuwa lang sila sa birthday nila.”
Ano ang pakiramdam kapag enjoy nang husto sa cake niya, lalo na ang mga taga-showbiz? ”Natutuwa ako kasi naiisip ko, hindi lang naman ako ang may bakeshop. Nandiyan ang malalaking bakeshop, pero bakit ako ang tinatawagan nila? Unang iniisip ko’y mapasaya ang may birthday at hindi iyong malaki ang kikitain ko.”
Sakaling isadula ang buhay niya, sino ang gusto niyang gumanap? “Si Maja (Salvador), para sexy! Parang malayo sa katotohanan!” Pabirong saad ni Ms. Pinky. “Kasi nabapakabit niya at hindi siya nagbabago. Kahit ako’y pagod na pagod, kakalabitin lang ako ni Maja ay naaalis na agad ang pagod ko,” nakangiting saad pa niya.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio