Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sextortionist arestado ng NBI

ARESTADO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang “sextortionist” na nam-blackmail sa kanyang dating nobya na ipo-post ang kanilang sex video kundi makikipagtalik sa kanya sa isang motel sa Pasay City kamakalawa.

Dinakip ng mga ahente ng NBI Cybercrime operatives ang suspek na si Mark Glen Sanchez, 36-anyos.

Ayon sa biktimang si Mila, ang pamba-blackmail ay ginawa ng dating kasintahan sa kabila na siya ay mayroon nang anak at asawa.

Nabatid na nagpapadala rin ang suspek ng putol-putol na kopya ng kanilang sex video sa mga kamag-anak, kaibigan at mga katrabaho dahilan para humingi ng tulong sa NBI ang biktima.

Nagbanta aniya ang suspek na ipadadala ang kabuuang sex video nila kapag hindi siya pumayag na muling makipagtalik sa suspek.

Sanhi nito, inilatag ang entrapment operations at naaresto ang suspek.

Sinabi ni NBI Cybercrime Division Executive Officer Atty. Vic Lorenzo, maaaring masampahan ng kasong rape ang suspek.

“Sa statement kasi ng biktima, may sinasabing pinilit siya at puwedeng mag-fall  ‘yun  sa rape, Violence Against Women Act at the same time ‘yung Anti-Voyeurism Act. ‘Yun ang mga possible charges na isasampa namin sa suspek,” dagdag ni Lorenzo.

Nakapiit na sa NBI ang suspek at inihahanda ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …