Friday , November 15 2024

PUJ lumundag sa Lagusnilad 12 sugatan

UMABOT sa 12 ang sugatan, kabilang ang driver, nang mahulog ang isang pampasaherong jeep kahapon ng madaling-araw sa Lagusnilad underpass sa Padre Burgos Drive at Villegas St., Ermita, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Richard Borbon, imbestigador ng Manila District Traffric Enforcement Unit (MDTEU), naganap ang insidente dakong 3 a.m. sa nabanggit na lugar.

Napag-alaman, ang driver ng jeep (TVY-585) na kinilala lamang sa alyas na Arman, may mga sugat din sa ulo at braso. Siya ay tumakas lulan ng isang pedicab patungong Divisoria.

Sugatan din sa insidente ng konduktor ng jeep na si Bryan Barquin, 29, ng 135 M. Ponce St., Bagong Barrio, Caloocan City.

Kabilang sa mga pasaherong nasugatan sa insidente sina Kennedy Sol, 24,empleyado, ng 105-H Briones St.,7th Avenue, Caloocan City; Aldrin Ubueno, 42, vendor, ng 284 P. Gomez St., 10th Avenue, Caloocan City; at Mary Joy Oriarte, 23, ng 10 Narra St., Diliman ,Quezon City, pawang isinugod sa Philippine General Hospital (PGH).

Ayon kay Barquin, mabilis ang takbo ng jeep at pagsapit sa lugar ay may isang ‘batang hamog’ na tumawid dahilan para iwasan ng driver.

“Kinabig daw sa kaliwa ‘yung manibela hanggang maramdaman nila na gumewang, bumangga muna sa poste at sa puno bago nalaglag nang pataob sa ibabang kalsada,” ayon kay SPO1 Borbon.

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *