Friday , November 15 2024

Mabini ‘di kilala dahil sa pagbabago sa basic education curriculum

ISINISI ni Alliance of Concerned Teachers (ACT-Teachers) partylist Rep. Antonio Tinio sa mga pagbabago sa curriculum sa basic education kung bakit kulang sa kaalaman tungkol sa Philippine history ang mga bagong henerasyon, partikular na ang lumabas na balita na hindi kilala ng mga kabataan ngayon ang tinaguriang “Dakilang Lumpo” na si Apolinario Mabini.

Ayon kay Tinio, mula pa noong 2002, naging emphasis ng bagong curriculum ang mga paksa sa English, Math at Science habang binawasan nang malaki ang mga minuto na nakalaan sa subjects na Filipino at Araling Panlipunan.

Aniya, inaani na natin ang henerasyon na dumaan sa ganitong curriculum kaya hindi na masyadong pamilyar ang mga estudyante sa mga detalye ng kasaysayan ng Filipinas.

Matatandaan, mismong si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ay desmayado sa balitang ito makaraang mapanood ng mga kabataan ang pelikulang “Heneral Luna” at nagtakang nakaupo lamang si Mabini.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *