Friday , November 15 2024

Ex-Gov. Valera guilty sa Bersamin killing

HINATULAN ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo ng mababang hukuman si dating Abra Governor Vicente Valera kaugnay sa kaso ng   pagpaslang  kay  dating  Congressman Luis Bersamin noong 2006.

Sinabi ni Atty. Persida Rueda Acosta, pinuno ng Public Attorney’s Office, at counsel ng mga state witness sa krimen, napatunayan ni Judge Roslyn Tria ng Quezon City Regional Trial Court Branch 94, na guilty ang dating gobernador sa krimen.

Bukod kay Valera, kasama rin sa hinatulan ng reclusion perpetua para sa dalawang bilang ng kasong murder, sina Rufino Panday at Leo Bello.

Sa naturang insidente, napatay rin ang police escort ng kongresista na si SPO1 Adolfo Ortega, habang sugatan ang driver ng lawmaker na si Allan Sawadan.

Para sa kasong frustrated murder dahil sa pagkakasugat ni Sawadan, si Valera at dalawa pang akusado ay pinatawan ng 12 taon pagkabilanggo.

Si dating Congressman Bersamin ay pinatay ng sinasabing hired killers sa harap ng Mount Carmel Church sa New Manila, Quezon City noong Disyembre 16, 2006.

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *