Friday , November 15 2024

Tumangay sa P9.4-M 4Ps fund arestado

ARESTADO sa pinagsanib na puwersa ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ng mga tauhan ng PRO4A sa Quezon Province ang suspek sa pagnanakaw sa P9.4 milyong pondo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dalawang taon na ang nakararaan.

Kinilala ni PNP-CIDG Director PCSupt. Victor Deona ang suspek na si Emilron Dela Torre, naaresto sa mismong kanyang hideout  sa Lakandula St., Brgy. 7, Lucena City.

Ayon kay Deona, positibong tinukoy si Dela Torre at ang kanyang dalawang kasabwat na responsable sa pagholdap sa limang empleyado ng Philippine Postal Corporation Regional Office na inatasang mag-deliver sa pondo ng 4Ps sa bayan ng San Francisco noong Oktubre 15, 2013.

Sinabi ni Deona, ang nasabing law enforcement operations ay bahagi ng kampanya ng CIDG OPLAN Pagtugis sa ilalim ng Lambat-Sibat campaign na ipinatutupad sa Calabarzon area sa pamumuno ni Regional Police Director, Chief Supt. Richard Albano.

Kasalukuyang nakakulong na sa CIDG Quezon Custodial facility ang suspek.

Agad sinampahan ng mga awtoridad ang suspek ng kasong robbery sa Lucena Regional Trial Court.

Samantala, tinutugis na ng mga awtoridad ang dalawang kasabwat ng suspek.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *