NAKU, JaDine fans, ‘wag na kayong umasa na magkakatuluyan ang idols ninyong sina James Reid and Nadine Lustre.
Si James na rin ang nag-tweet na pabayaan na lang siya sa gusto niya. “I don’t expect you to understand me. I get that you all want me to just live your fantasy. But sorry, this is my life. Also stop talking on Nadine’s behalf you don’t know what she thinks or feels,” tweet ni James recently.
Ayaw ni James na paasahin ang fans nila na mayroong romantic something sa kanila ni Nadine kasi wala naman talaga.
Kung saan-saan nakikita si James na may kasamang starlets. Recently, naispatan siya sa isang bar kasama ang starlet ng Viva na si Debbi Garcia.
Ayun, nagpiyesta ang fans na nagsabing siya ang bagong babae ni James.
Nag-deny na si Debbie sa kanyang Instagram account at sinabing magkaibigan lang sila ni James.
UNCUT – Alex Brosas