Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

LizQuen, kasama sa movie nina Tetay at Bistek sa 2015 MMFF

041515 enrique gil liza soberano

00 fact sheet reggeeSA pa-birthday celebration ni Quezon City Mayor Herbert Bautista para sa entertainment press na nagdiwang ng kanilang kaarawan mula buwan ng Hulyo hanggang Setyembre ay talagang hindi namin tinantanan ng tanong ang politiko cum aktor.

Nabalita kasi na si Derek Ramsay na ang leading man niKris Aquino sa pelikulang entry ng Star Cinema ngayong2015 Metro Manila Film Festival.

At noong Biyernes ng gabi sa Aquino and Abunda Tonight na huling gabing episode ng Queen of All Media ay sinabi niyang si Herbert pa rin ang leading man niya at hindi si Derek at binago na rin ang titulo na rating Mr. and Mrs. Split na naging Love, love, love, Pamilya Love.

Kaya tinanong namin si Bistek kung bakit muntik na siyang hindi mapasama sa nasabing pelikula ng Star Cinema.

“’Di ba, nagsu-shooting ng ‘Etiquette (for Mistresses’) si Kris tapos nagkakasakit na siya, so noong una, buo na ‘yung pelikula, pero wala pang script, ‘yung cast pa lang.

“Then eventually, nagkakasakit siya, ayaw na niyang gawin ‘yung pelikula, and then na-pursuade siya na ituloy ‘yung movie pero iba na ‘yung cast kasi malapit na eleksiyon.

“Tapos at this point, on Wednesday (September 30), ia-announce na ‘yung Liberal Party ‘yung kanilang Vice President, Senators, which I belong to the same party, Liberal Party and may isang term pa naman ako (Mayor), but my name is in the list of possible Senatorial candidates.

“So, tapos biglang natuloy ang pelikula at supposedly, si Derek (Ramsay) yata. But it was not done deal between Star Cinema and Derek.

“Last Tuesday (September 22), nag-meeting kami ni tita Malou (Santos) at tuloy ang movie, kasama na ako.

“Sabi ko nga, okay lang kung hindi ako kasama, but si tita Malou mismo ang nagsabing, ‘we want you there (movie), ikaw ang original, hindi puwedeng iba, somebody else could take the role, pero you’re the original cast.’

“Then I was informed that October 9 (Biyernes) ang resume ng shooting kasi nag-shoot na ako ng one day, so magre-resume ng shooting sila (Kris) on October 9.

“Hindi ko lang alam kung kasama ako sa resume shooting nila and I’m thankful sa Star Cinema kasi I’m still part of the movie. Kahit naman maliit lang ‘yung role, basta ang importante may raket, ha, ha, ha, may pelikula.

“And I think, kasama ang LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil) sa movie, tapos ‘yung kina Vice (Ganda) yata JaDine (James Reid at Nadine Lustre),” mahabang paliwanag ni Herbert.

Sa tanong namin kung bakit nabago na ang titulo, ”kasi si Kris naman nakilala sa salitang love, love, love at saka may kantang love, love, love, pinahahanap ko nga, eh. And I hope magkatuluyan ang Viva Films at Star Cinema sa co-production kasi Viva is my manager.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …