Friday , November 15 2024

Libel vs Yap et al ibinasura (Dahil sa maling hurisdiksiyon)

JSY libelIBINASURA ng Manila RTC Branch 55 ang libel case na inihain ni Insp. Rosalino P. Ibay Jr. laban kina Jerry Yap, publisher; Gloria Galuno, managing editor; at Edwin Alcala, circulation manager, pawang ng Hataw tabloid, bunsod ng maling hurisdiksiyon.

Ayon sa desisyon ni Judge Josefina E. Siscar, ang offended party na si Ibay Jr. ay public officer na nakatalaga sa Camp Crame, Quezon City kaya ang mga korte ng lungsod ng Maynila ay walang hurisdiksiyon sa kaso.

Ipinunto ni Judge Siscar, ang rule no. 1 ng Rules on Venue sa Article 360 ng Revised Penal Code, nakasaad na “Whether the offended party is a public official or a private person, the criminal action may be filed in the Court of First Intance of the province or city where the libelous article is printed and first published.”

Ipinunto rin niya ang rule no. 4, nakasaad na “If the offended party is a public officer holding office outside of Manila, the action may be filed in the Court of First Instance of the province or city where he held office at the time of the commission of the offense.”

“A careful study of the allegations in the original and amended information reveal that the former did not allege that the alleged libelous articles were printed and first published in the City of Manila and such defect was the one cured by the prosecution in the latter. Likewise, there is no allegation in the information that the offended party who is a public officer holds office in Manila. Thus, the amendments of the information to vest jurisdiction upon the court cannot be allowed,” pahayag ng hukom.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *