Monday , December 23 2024

Carpio resign

EDITORIAL logoHINDI lang dapat mag-inhibit si Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio sa Senate Electoral Tribunal na dumidinig ngayon sa kaso ng citizenship ni Sen. Grace Poe, kundi dapat din si-yang magbitiw.

Hinusgahan na ni Carpio ang kasong disqualification case laban kay Poe nang sabihin na ang senadora ay naturalized citizen at hindi natural born Filipino citizen.

Nakalulungkot dahil halos nagsisimula pa lang ang pagdinig sa kaso ni Poe sa SET pero lumalabas na may nabuo nang de-sisyon si Carpio.

Ito ba ay dahil si Carpio ay may kaugnayan kay Atty. Avelino “Nonong” Cruz na abogado ni dating Interior Secretary Mar Roxas?

Si Carpio at Cruz ay magkasama sa maimpluwensiyang The Firm o ang CVCLAW na Villaraza Cruz Marcelo & Angangco.

Wala na bang natitirang kahihiyan si Carpio?

Isang collegial body ang SET at bilang paggalang sa mga miyembro nito, hindi siya dapat nagbibigay ng iresponsableng pahayag na ikadududa hindi lamang sa kanya kundi sa buong SET.

Malinaw ang argumento ng panig ni Poe na ang isang foundling o ‘pulot’ ay may legal presumption na isang natural born Filipino citizen.

Talagang mukhang may katotohanan ang mga naunang balitang nakausap na si Carpio ng matataas na lider ng LP kaya ganito ang kanyang ikinikilos.

About Hataw News Team

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *