Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maricel, suportado si Mar Roxas sa 2016

033115 maricel soriano

00 fact sheet reggeeALIW ang mga nakarinig sa panayam kay Maricel Sorianona sinabi niyang suportado at iboboto niya si dating DILG Secretary Mar Roxas sa kandidatura nito sa pagka-Pangulo ng Pilipinas sa 2016.

Nangatwiran kasi ang aktres ng, ”eh gusto ko eh! Bakit mas marunong pa kayo sa akin?”nang tanungin siya kung bakit si Mar.

Knowing Marya, walang pakialam ang sinuman sa gusto niyang sabihin at gawin, kaya nga Taray Queen, ‘di ba?

Huwag ng magtaka ang karamihan kung bakit si Mar dahil malapit pala siya sa asawa nitong si Korina Sanchez-Roxas dahil ilang beses siyang na-interview ng eksklusibo para sa Rated K.

At dahil sa nabuong friendship nina Marya at Koring ay iisa na ang kanilang paniniwala.

Hindi pa lang nakikita si Maricel na sumasampa sa entablado kasama si Mar, pero sapat na raw na nagsabi na siya kung sino ang iboboto niya sa 2016.

Samantala, hindi naman nawawala ang ngiti kay Marya sa tinanggap na award bilang Iconic Movie Queens of Philippine Cinema sa 63rd FAMAS Awards.

Kahilera ni Maricel sina Ms Gloria Romero, Ms Susan Roces, Ms Dawn Zulueta, Sarah Geronimo, at Ms Nora Aunor.

Sa kasaysayan ng Philippine Entertainment Industry ay nakagawa at naging bida si Maricel sa humigit kumulang na 100 pelikula at karamihan sa mga ito ay itinanghal siyang box-office queen at pinakamahusay na aktres sa lahat ng award giving body.

Sabi nga ni Maricel, ”I feel so blessed and humbled to be given the honor to stand beside such great actresses. Sobra akong inspired dahil sa award na ito na magpatuloy gumawa ng mga pelikula sa darating na mga taon.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …