PARANG nagwala si Jessy Mendiola dahil hindi pa rin siya nilulubayan ng bashers sa social media.
“Tigilan niyo akong lahat. Hindi niyo alam pinagdadaanan ni JM ngayon at mas lalong hindi niyo alam nangyayari sa aming lahat.
“Sana maisip niyo kung totoong mahal niyo ang isang tao bilang isang fan man o kaibigan, tumulong na lang kayong maging maayos lahat imbes na naninira kayo at namba-bash kayo ng kapwa-tao.”
Iyan ang kanyang aria on her Instagram account.
Nag-deny din siya na hiwalay na sila ni JM de Guzman.
Kasi naman, umingay ang chikang split na sila ni JM nang mag-post siya ng cryptic message kamakailan. Parang ginatungan pa ito nang mag-post din si JM ng isang napakahabang aria.
Ayun, ang nagkakaisang chika ng mga tao sa social media ay hiwalay na sila.
UNCUT – Alex Brosas