Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gabby, hangang-hanga sa pagkakagawa ng Felix Manalo movie

092515 gaby dennis

00 fact sheet reggeeDEADMA si Gabby Concepcion kung second choice siya sa papel na Erano Manalo sa pelikulang Felix Manalo na idinirehe ni Joel C. Lamangan mula saViva Films na mapapanood na sa Oktubre 7 nationwide bukod pa sa international screening nito sa buong mundo.

“Maraming ganoon, eh, sa pelikula, sa experience ko na hindi ako ’yung first, tapos ’pag napunta sa ’yo, nagiging maganda naman,” sabi ni Gabo.

Sa katunayan ay nagpapasalamat nga at sa kanya ibinigay ang papel na Ka Erdy dahil malalagay sa history ng pelikulang Filipino ang Felix Manalo na founder ngIglesia ni Cristo na nagsimula sa Pilipinas.

“Ako mismo, I like history and Felix Manalo is an icon sa mga Filipino just like San Lorenzo Ruiz. Eh, sabi ko, ‘Felix Manalo’ to be part of it, in fact, I was thinking, kung naging movie ito noon, it would be nice to be a part of it.

“Hindi ko akalain na ’eto na ’yung movie, and I am part of it. Ang galing,”nakangiting sabi pa.

Nabanggit ng aktor na pagdating sa pagtanggap ng proyekto ay inaalam muna niya ang materyal at ng ialok sa kanya ang pelikulang Felix Manalo ay kaagad na niyang tinanggap.

Hanggang-hangga ang aktor sa pagkakagawa ng pelikula ni direk Joel  dahil sobrang binusisi at hindi tinipid sa production kasama na ang talent fees ng buong cast na hindi raw tinawaran kaya naman lahat ng kasama sa pelikula ay ang gaganda ng mga ngiti.

Bukod kay Gabby, kasama rin sa Felix Manalo movie sina Dennis Trillo, Bela Padilla, Snooky Serna, Gladys Reyes, Jaclyn Jose, Richard Yap at marami pang iba na umabot sa 7,000 extra produced ng Viva Films na magkakaroon ng advance screening sa Philippine Sports Arena sa Oktubre 4, Linggo, 7:00 p.m..

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …