Friday , November 15 2024

DOJ bubuo ng probe team sa Lumad Killings

BUBUO ng special investigation team ang Department of Justice (DoJ) para siyasatin ang pagpatay at pangha-harass sa mga katutubong Lumad sa Mindanao. 

Ayon kay Justice Secretary Leila De Lima, nagpadala na ng direktiba ang tanggapan ng Executive Secretary sa DoJ para maimbestigahan agad ang isyung ito.

Paliwanag ni De Lima, masalimuot ang naturang isyu na may kaugnayan sa kalagayang lokal.

“May mga root causes po ‘yan. It’s actually a complex matter. It’s beyond the acts of killings, harassment and coercion na nagko-cause ng displacement ng Lumad. They are caught in between mga local situation diyan,” ani De Lima.

Dagdag ni De Lima, may mga nauna nang kasong naisampa ang local prosecutors office na sangkot ang “paramilitary forces” na sinasabing pumatay sa ilang Lumad.

“Inaalam namin kung sino ho ba talaga ang mga nasa likod ng mga para-military forces na ‘yan,” aniya.

Ang grupong bubuuhin ng DoJ ay pinagsamang puwersa ng National Prosecution Service (NPS) at National Bureau of Investigation (NBI).

“I will again create a joint NBI-NPS special investigation team, Although I was told by Director Mendez na ‘yung mga local NBI nila, nagsimula na ring mag-imbestiga,” ani De Lima.

About Leonard Basilio

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *