Friday , November 15 2024

Oral arguments sinimulan na ng SET (Sa DQ case vs Sen. Poe)

SINIMULAN na ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang oral arguments sa disqualification case laban kay Sen. Grace Poe na isinampa nang natalong senatorial candidate na si Rizalito David.

Hindi dumalo ang senadora sa closed-door hearing sa Korte Suprema.

Tanging ang abogado lang ni Poe na si Atty. Alex Poblador ang kumatawan sa senadora. Habang dumalo si David sa oral argument.

Iginiit ni David, dapat ma-disqualify si Poe dahil hindi natural born Filipino citizen ang senadora.

Ayon pa kay David, sakaling mabigo sa Senate Electoral Tribunal, dadalhin niya sa Korte Suprema ang disqualification case laban sa senadora.

Si Poe ay kamakailan lang nagdeklara na tatakbo bilang pangulo sa 2016 elections.           

DNA Test isinagawa para matukoy biological links ni Sen. Poe

ISINAILALIM ang ilang indibidwal sa DNA test sa layuning matukoy kung sino ang biological parents ni Sen. Grace Poe. 

Ayon kay Atty. Alexander Poblador, posibleng kamag-anak ng mga tunay na magulang ni Poe ang isa sa mga isinailalim sa DNA test. 

Kapag natukoy na kadugo nga ni Poe ang isa sa kanila, madali nang matutukoy ang kanyang biological parents. 

Ayaw pangalanan ni Poblador ang mga isinailalim sa DNA test gayondin kung ilan sila. 

Ang pagsusuri ay isinagawa sa gitna ng pagkuwestiyon sa citizenship ni Poe. 

Bagama’t batid ng lahat na si Poe ay inampon ng mag-asawang Fernando Poe. Jr. at Susan Roces, kinukuwestyon sa Senate Electoral Tribunal (SET) kung tunay na natural born citizen ang senadora. 

Sa kaso na inihain ni Rizalito David, iginiit niyang bilang isang foundling, walang nakaaalam kung Filipino ba ang mga magulang ni Poe.

Isa ang pagiging natural born citizen sa mga requirement para maging lehitimong kandidato sa ano mang posisyon sa pamahalaan.

Niño Aclan/Cynthia Martin

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *