Sunday , December 22 2024

Anak ni Jawo kinasuhan na

 KASONG attempted murder, direct assault at illegal possession of fire arms and ammunition ang isinampa ng pulisya sa Makati City Prosecutors Office laban sa anak ni basketball living legend at dating Senador Robert Jaworski at sa driver na nakipagbarilan sa mga pulis at nahulihan ng mga armas at bala nitong Sabado, Setyembre 19, ng madaling araw sa nasabing lungsod.

Kamakalawa dakong 5:30 p.m. isailalim sa inquest proceeding si Ryan Joseph Jaworski, 40, at driver niyang si Joselito Au, 52, makaraang  sampahan ng mga  kaso sa piskalya.

Isasailalim din ng pulisya sa paraffin test ang mga suspek.

Habang patungo ang follow-up operation ang awtoridad laban sa kasamahan nilang si Ferdinand Paragon na nakatakas.

Samantala, hiniling ng pamilya ni Ryan Joseph na sa National Bureau of Investigation (NBI) siya magpasailalim ng paraffin test.

Kasalukuyan pa ring nakaratay  si Ryan Joseph sa Makati Medical Center  (MMC) na mahigpit na binabantayan ng mga awtoridad.

Una nang inihayag ng pulisya, target rin nilang buwagin ang sinasabing gun running syndicate ng mga suspek.

Naaresto ang dalawa at nakompiskahan ng mga bala at baril sa panulukan ng Chino Roces Avenue at Pasay Road, Brgy. Pio Del Pilar, Makati City makaraang makipagbarilan sa mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) nang magsagawa ng gun running buy bust operation nitong Sabado ng madaling araw.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *