Friday , November 15 2024

Mahinang pressure ng Manila Water sinimulan na

MULING ipinaalala ng Manila Water sa kanilang mga kustomer sa Metro Manila at bahagi ng Rizal na makararanas ng pitong oras na mahinang water pressure simula ngayong araw Setyembre 21, kaugnay ng El Niño weather phenomenon.

Sa advisory ng Manila Water, mararanasan ang mahinang water supply mula 10 p.m. hanggang 5 a.m. simula sa nabanggit na petsa.

Aabot sa 155 barangay sa Makati, Mandaluyong, Marikina, Parañaque, Pasig, Quezon City, San Juan, Taguig, Antipolo, Angono, Cainta, at Taytay, ang maaapektuhan ng water reduction.

“We seek the understanding of those affected by this necessary inconvenience. Manila Water has to manage water supply and pressure to ensure that all customers receive water every day. We are implementing these service interruptions to help extend the supply from Angat until the second quarter of 2016,” ani Jeric Sevilla, head ng Corporate Communications ng Manila Water.

Ayon sa Manila Water, dapat ay mag-imbak nang sapat na tubig ang mga siniserbisyuhan nilang residente kahit hindi tuluyang mawawalan ng suplay ng tubig.

Nitong Setyembre 16 ng gabi ay nagsimula na rin ang Maynilad Water Services Inc. (Maynilad) sa pagputol ng water supply mula 9 p.m. hanggang 4 a.m.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *