Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rayver, nagpaparamdam muli kay Shaina!

092015 Rayver shaina

00 fact sheet reggeeBINIBIRO namin si Shaina Magdayao na sana magbalikan na lang sila ni Rayver Cruztutal naman ay matagal na silang magkakilala at parehong boto ang pamilya nila.

Nagkaroon kasi ng nakalipas ang dalawa noong mga bagets pa sila.

Tumatawang sagot sa amin ni Shaina, ”ha, ha, ha si Bro (tawag niya sa aktor) nagpaparamdam siya sa show (‘Nathaniel’), guest namin siya, ‘di ba, isa siya sa tatlong anghel, (kasama sina Enchong Dee at Sam Milby).”

Nataon naman na ang tatlong anghel na guest sa Nathaniel ay mga paborito namin at totoong may mabubuting puso.

“Oo nga, o ‘di ba, talagang magpapa-save ka, kapit ka kaagad kapag sila ‘yung magse-save sa ‘yo,” komento ng aktres.

Muli naming binanggit si Rayver kay Shaina, ”si Bro (Rayver), ano na ‘yan, stable na ‘yan sa buhay ko. Laging nandiyan lang ‘yan si bro sa mga mabuti kong kaibigan sa showbiz.”

Ay, hindi na puwedeng ibalik ang nakaraan, ”alam mo, ayokong mag-close ng doors, kasi hindi na natin alam kung ano ang mangyayari in the future. But as of now, wala sa isip ko pa (Rayver), promise.

“Feeling ko kasi kapag nagkaroon ako ng boyfriend, ‘yun na ‘yun (asawa), so I really wanna take my time, ayoko naman ng pa-date-date na lang kung sino lang, kilala mo naman ako.

“Mag-26 (edad) na ako sa November, so I wanna take my time kaysa naman magmadali ka, mag-commit ka at after a while, magbi-break din naman kayo, so itutuon ko na lang ang atensiyon ko sa mas mahalagang bagay and when that time comes, eh, di ‘yun na ‘yun,” katwiran ni Shaina.

Pero ang maganda kay Shaina ay hindi na raw siya namimili kung showbiz o non-showbiz ang guy.

“Sana hindi showbiz, pero tulad nga ng sinabi ko, tapos na ako sa pagiging idealistic, minsan naman non-showbiz hindi ka maintindihan, ‘pag showbiz naman, masyadong showbiz din, hindi ko alam.

“Ayaw ko ng mag-set ng any requirements dahil at the end of the day, lahat naman ‘yan may kapintasan, let’s really pray for the right one,” pahayag ni Shaina.

FACT SHEET – Regee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …