Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baron, aminadong gumagamit noon ng droga pero hindi na ngayon

071015 Baron Geisler

00 fact sheet reggeeSA isyung nagwala at pinagmumura ni Baron Geisler ang customers ng Luna J Restaurant sa may Morato noong Linggo ng gabi ay ayaw ng magsalita ng aktor.

Inisip na lang namin na baka pinagbawalan siya ng production ng Nathaniel para hind maging negatibo ang pagtatapos ng seryeng gabi-gabing inaabangan ngayon ng lahat dahil good deeds ito.

Sabi lang ni Baron nang tanungin namin siya sa panggugulo, ”I don’t know kung ano ‘yung tsismis na iyon, I don’t wanna comment on that, sorry.”

“I will not comment on that, kasi unang-una everything is going well with me. Ang dami ko ng napagdaanan, right now, all I want to talk is how grateful I am sa ‘Nathaniel’, so I will not comment on that po. Bahala na ‘yung mga taong mag-speculate, basta ako, nagtatrabaho lang po ako.”

Sabagay, hindi naman mapipilit ang aktor kung hindi niya aaminin ang nangyari o baka kasi nagsampa ng kaso laban sa kanya ang ilang customers na balita namin ay pina-blotter siya.

Anyway, isang gabi lang ang nakalipas ay nasangkot naman si Baron sa vehicular accident na binangga ang sinasakyan niyang SUV ng 6 wheeler truck habang papauwi na siya galing sa taping ng Nathaniel.

“Oo nga po, okay na, inaayos naman na ng insurance na nakabangga sa amin,” sabi ni Tagasundo/Gustavo.

As of now ay sumasabay ang aktor sa service ng ABS-CBN.

Samantala, binati namin si Baron na ang galing-galing talaga niyang kontrabida sa Nathaniel at markado siya sa buong serye.

“Ay salamat po, ginagawa ko lang po ang trabaho kasi mahal ko ang trabaho ko. Nagdarasal po ako nas ana bigyan po ako ng pag-asa ng Dreamscape (Entertainment) o ng ABS-CBN na muli kong maka-trabaho ang mga napakakagaling nilang mga artista,” napangiting sagot ng aktor.

Diniretso namin ng tanong ang aktor kung minsan sa buhay niya ay gumamit din siya ng droga bukod sa pagiging alcoholic niya, ”yes, nasubukan ko na po lahat, but I’m cleaned now, saksi ko ang Diyos, malinis po ako sa drugs, iniwan ko na po ‘yan,” sabi kaagad ni Baron.

No wonder kaya maski na maraming gusot na napapasukan itong si Baron ay marami pa rin ang nagtitiwala sa kanya sa projects kasi bukod sa napakagaling na artista ay alak lang ang bisyo at sigarilyo.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …